KABANATA XXI – “DOKUMENTO” “ANONG ginagawa natin dito pre?” Tanong ng isang lalaki---na sa pagkakatanda ko siya ang isa sa mga kasama kanina ni Barbo na bumaril kay Santi sa likuran, “…at sino ka naman bata?” Tanong niya sa akin. Nakatayo lang ako sa pagitan ng dalawang hukay. Meron dalawang kabaong na yari sa kahoy ang nakabaon na sa ilalim ng hukay. Pumayag naman si Barbo sa akin na ilagay ko sa kabilang kabaong si Frank. Wala akong kakilalang kamag-anak niya at sa pagkakaalam ko rin wala talaga siyang pamilya. Hindi siya mabibigyan ng maayos na libingan at baka kung saan lang siya ilagay ni Barbo. Kanina rin habang naghuhukay ako, itinatali naman niya ang isa pang patay na lalaki. Hindi ako nagtanong sa kaniya ng kung-ano ano pa kung sino ito dahil hindi niya rin naman sasabihin s

