KABANATA XXXIII – “SIMBANG GABI” AKO na yata ang pinakamasayang gwapong lalaki sa balat ng San Pedro ngayon. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong ibinalik ko si Ninong sa kulungan at binabasan niya ako para sa asawa ko. Achievement ‘yon para sa akin. Sa totoo nga niyang kinilig talaga ako at hindi na nawala ang mga ngiti sa labi ko---para nga raw akong baliw sabi ng Ninong namin ng asawa kong bakla. Oo naman, Ninong ko na rin si Barbo kasi, Ninong siya ng asawa ko. Hindi nga lang siya sumagot noong sinabi ko sa kaniyang---kung pwede maging Ninong siya sa kasal namin, malapit naman na ‘yon kasal namin, meron ng singsing, meron ng simbahan kahit na kailangan kong tiisin ang init sa loob, meron ng mga bisita, meron ng pagkain, regalo, nakahanda na rin ang honeymoon suite naming

