KABANATA IV – “KASAL”
ANO bang tumatakbo sa utak ng tomboy na iyon? Sino ba ang lasing sa aming dalawa? Sino ba ang nabugbog kanina? Ako ba o siya? Hindi naman ako nabugbog pero nasuntok ako sa mukha, nahampas ako ng kung ano sa likuran kaya naman masasabi kong ako dapat ang kahit paano naalog ang sistema at hindi siya.
Ako raw ang fiance niya? Wala nga akong natatandaan na lumuhod ako sa harapan niya at naglabas ng mahiwagang singsing at nagsabi na, Will You Marry Me?
Urgh! Sa pagkakatanda ko, si Henry ang sinabihan kong pakasal na kaming dalawa pagkatapos bigla siyang lumayo. Hindi kaya… meron ng nag-alok sa kaniya noon na magpakasal? At hindi pa rin siya nakaka-move on kaya tinanggihan niya ang alok ko? pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano rin bang tumatakbo sa isipan ko at inalok ko na kasal si Henry na parang gusto ko na siyang maging pag-aari. Uhm, hindi naman sa ganoon, gusto ko lang siguro ng siguridad na kami na talaga.
Pero paano kung meron na talagang ibang mahal si Henry kaya naman hindi niya magawang mahalin ako? Noong unang beses niyang hinalikan ang labi ko, iyong bigla siyang nagkunwareng boyfriend niya raw ako sa harapan ni Vigor. Alam kong acting lang iyong ginagawa niya para makatakas kaming dalawa, may sira rin kasi sa ulo ata iyong baklang iyon, sinabihan ko na ngang huwag susunod sa akin sumunod pa rin hindi tuloy ako naka-bwelo. Syempre, bigla kong naisip na protektahan siya sa kahit anong uri ng paraan. Hindi ko alam, basta ganoon ang naramdaman ko noon kaya naman sinakyan ko na lang ang trip niya. Noong magkaharap kaming dalawa, wala na akong pakialam pa kung meron matang nanunuod sa amin, kitang kita ko sa mga mata niyang kinakabahan siya… kinabahan din naman ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi naman siya ang naunang baklang naka-seks ko, basta iba ang naramdaman ko, hindi ako nalibugan pero gusto kong gawin iyong mga bagay na gusto kong gawin sa kaniya.
Siyang siya ang naisasalawaran ko sa tuwing kinukuwento siya sa akin ni Lorenzo.
Tang inang bakla iyan. Ano bang ginawa niya sa akin? Baka naman ginayuma niya ako.
SINISIPA ko ang bawat bangko at mga nakatumbang mesa, sirang mesa. Wala ng katao tao ngayon dito sa loob ng bar. Meron naikot ikot pa rin ang iba’t ibang kulay na ilaw na mas lalong nagpapahilo sa akin. Nag-alisan na rin iyong mga pulis. Sumama lang muna si Cass sa hospital. Nadala naman na sa presinto iyong mga nagsimula ng gulo, syempre pati iyong mga tauhan ni Nick bulok na ang lakas maka kontrabida ng pagkakasabi sa akin noong bartender tapos bugbog sarado naman pala. Baka mamamatay na rin iyon bukas o kaya mamaya.
Hinahanap ko iyong singsing na ibibigay ko sana kay Henry. Tang ina kasi, hindi ko alam kung saan ko nahulog. Hindi ko rin naman matandaan kung dala ko ba iyon kanina o hindi. Pagkakaalam ko nasa bulsa ko iyon, ngayon wala na. Kasalanan ‘to ni bakla, kung hinayaan niya na lang muna akong magsabi sa kaniya na Will You Marry kahit bakla ka at isuot ang singsing bago siya tumakbo palabas eh ‘di sana, wala na akong hahanapin ngayon. Importante sa akin iyong singsing na iyon, binigay sa akin iyon ng lola ko. Siya lang nagmamahal sa akin at si Tiya.
Meron akong nakitang box sa ilalim na mesa. Dinapot ko ito at binusan. Akala ko mamawala na kita. Baka multuhin ako ni Lola kung mawala kita.
Napatingin ako sa counter. Lumapit ako at umupo ako sa kaninang pwesto ko. Inabot ko ulit ang isang bote. Kanina pa ako uhaw na uhaw sa alak talaga. Buti pa ang alak, hinding hindi ka iiwanan kahit anong mangyari. At ang alak ang gagawa ng paraan para makita ka. Hinalikan ko muna ang bote bago ko buksan ito.
“Nandito ka pa pre.” Napalingon ako sa kaliwa. Tumungga muna ako sa bote habang nakatingin ako sa kaniya. Papalapit siya sa pwesto niya ulit. Meron siyang kinuha sa ilalim ng counter habang nakatingin siya sa akin. Inilapag ko ang bote. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at naglabas ako ng pera.
“Iyan bayad ko sa lahat ng nainom ko at iinumin ko pa. Paalis na rin ako. Eh ikaw bakit bumalik ka pa? Kanina lang takot na takot ka. Uubusin ko lang ‘tong isang ‘to.”
“Naiwan ko ‘tong phone ko.” Pinakita niya sa akin. Hindi ko na siya inimik pa. Tinitigan ko na lang ang bote ng alak, “…parang baliwala lang sa iyo iyong nangyari kanina. Hindi ka man lang na-distract sa kung anong gumugulo riyan sa isipan mo pre.”
“Normal na sa akin ang makakakita ng ganoong eksena at maniwala ka sa akin, mas malala pa ang mga nakita at naranasan ko.” Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Nakalimutan ko na nga kaagad kung paano ba nagsimula iyong gulo rito kanina. Narinig kong nagbukas siya ng alak. Napatingin ako sa kaniya. Tumungga rin siya. Pagkalapag niya ng bote. Napatingin siya sa sira sirang gamit dito sa loob.
“Siguro naman babayaran ni Mr. Valenti ang mga nasira nilang gamit dito sa loob.”
“Anong pakialam mo sa mga nasira rito? Problema na iyan ng amo mo.”
“Lubog na sa utang ang amo ko. Baka ipagbili na niya itong club kapag nangyari iyon mawawalan ako ng trabaho.”
“Marami pang club dito sa San Pedro, hindi lang ito. Makakahanap ka kaagad ng trabaho.” Sabi ko at sabay kaming tumungga ng alak. Mas nauna siyang tumigil sa paglagok.
“Kinuha lang ako ng amo ko dahil katulong si mama sa bahay nila. Kasama si mama sa naalis sa pagkakatulong dahil nga nagtitipid na sila. Hindi ako matatanggap sa ibang trabaho pre. Hindi naman ako tapos sa pag-aaral.”
“Pre, hindi rin ako tapos sa pag-aaral ko pero hindi ako sumuko sa buhay ko. Sa naririnig ko sa iyo, parang katapusan na ng mundo mo kapag mawala ka rito. Ganun paman, wala akong pakialam sa iyo at sa kung anong mangyayari sa iyo.” Sabi ko sa kaniya at tumayo na ako. Kinuha ko ang pera na nasa counter at inilagay ko sa bulsa niya, “…mukhang mas kailangan mo iyan. Huwag ka mag-aalala sa amo mo. Kaya noong mabuhay kahit wala ka kaya naman matuto kang mabuhay ng hindi dumidipende sa ibang tao o sa kahit na anomang bagay.” Tinapik tapik ko ang pisngi niya at pumangiti ako. Tinalikuran ko siya at inilibot ko ang aking mga mata, “…saan nga ang banyo rito?” Pahabol na tanong ko.
“Kanan pre.” Sagot niya. Tumingin kaagad ako sa kanan. Madilim na pasilyo at may papatay-patay pa na ilaw. Parang gusto kong sa labas na lang umihi kasi naman nakapanuod na ako ng mga ganitong eksena, iyong papatay patay ang ilaw tapos meron lalabas na zombies at kakainin ako utak ko, kahit papaano naman meron pang laman ang utak ko, mabubusog pa rin naman siguro ang zombie. Hindi ako takot sa tao, pero takot ako sa zombies, multo, halimaw at mga aliens. Hindi kasi sila tinatablan ng bala. Iyon lang naman ang sekreto ko at walang nakakaalam na iyon ang kinatatakutan ko.
Pakiramdam ko sasabog na talaga ang pantog ko. Parang gusto kong dito ko na lang ilabas ang t**i ko at umihi na lang sa sahig. Tang ina, bakit kasi dumating pa ‘tong bartender na ‘to.
Naglakad na ako. Umiikot na talaga ang paningin ko. Para na akong tutumba. At iyong sikmura ko minumura na ako. Parang humihilab na gustong bumulwak ng lahat ng ininom ko. naisip ko, sayang naman kung iduduwal ko lang lahat ng nainom ko.
Nagawa kong makarating sa banyo. Lapit kaagad ako sa ihian. Binaba ko ang zipper ng pantalon ko at dinukot ko ang t**i kong hindi ata nagustuhan ng bakla kaya ayaw na niya sa akin. Nagawa kong mailabas ito at hinawakan ko kaagad sa ulo at hindi na nagpapigil at biglang labas ng ihi ko. Napakasarap sa pakiramdam. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung ‘di ang umihi lang. Para isang punong pitsil ang laman ng pantog ko. Napayuko ako sa t**i ko. Binabatak ko habang patuloy ang paglabas ng ihi ko. Baka naman hindi gusto ni Henry na meron tattoo sa t**i. Wala na kasing espasyong balat sa katawan ko kaya pati t**i ko napagtripan kong pa-tattoo’an. Kung ipalagay ko kaya pangalan ni Henry sa t**i ko? Magugustuhan na kaya niya?
Napatingin ako sa kanan ko. Nakatayo na si bartender sa tabi ko at umiihi na rin siya. Napayuko siya at napatingin sa t**i kong hawak hawak ko.
“Ang laki niyan pre ah.” Sabi niya. Normal lang naman sa mga lalaki na mainggit sa mga t**i ng kapwa lalaki lalo na kapag malaki tapos maliit ang t**i ng isa. Nagkataon lang na mahaba talaga t**i ko. Hindi naman ako pala salsal noon, sadyang mahaba lang talaga t**i ko kahit hindi matigas. Kaya naman napasilip din ako sa t**i niya. Parang wala akong makita o baka nanlalabo lang talaga mata ko.
“Tang ina, wala ka atang t**i pre. Tomboy ka rin ba kagaya ni Cass?”
“Meron. Ito oh.”
“Hindi ako interesado. Napatingin lang ako kasi tinitignan mo t**i ko.” Napapikit na ako at dinikit ko ang noo ko sa pader. Tuloy tuloy pa rin naman ang pag-ihi ko. Matagal talaga akong umihi kapag ganitong nakarami ako ng inom. Pwede na nga akong makatulog talaga, “…pre, alam mo bang meron akong kakilalang bakla na ayaw sa t**i ko?” Mahinang pagkakasabi ko sa kaniya. Hindi ko naman naririnig na umiihi siya pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa t**i ko.
“Seryoso? Iba na talaga mga bakla ngayon pre. Pero kasi, sa itsura mo. Kahit ako bakla, hindi kita magugustuhan kasi naman mukha kang pumapatay ng bakla.” Pagkasabi niya noo’y napadilat ako at napatingin ako sa kaniya. Tinapos ko muna ang pag-ihi ko hanggang sa huling sirit. Pinagpagpagpag ko.
“Kaya ka pala nakatingin sa t**i ko, bakla ka pala.”
“Hindi ako bakla. Ang sabi ko kung ako bakla. Halimbawa lang.”
“Bakit ka tinitigasan kung hindi ka bakla?” Tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang hindi na ako komportable. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon at kompirmadong bakla siya kahit hindi niya aminin. Kung sabagay, kasasabi niya pa lang, iba na ang mga bakla ngayon. Kagaya ni Henry, masyadong maarte. Pasalamat siya, love ko siya.
“Natural kasi naiihi ako.”
“Tatanungin kita ulit. Trip mo ba ako?”
“Ha ano bang pinagsasabi mo?”
“Kung trip mo ko, sige pagbibigyan kitang mahawakan ang t**i ko. Mukhang kanina ka pa libog na libog sa akin. Wala akong pakialam kung bakla ka o kung hindi ka bakla. Hindi kita huhusgahan kung hahawakan mo t**i ko. Kung mapapatigas mo ipapasubo ko sa iyo.” Seryosong pagkakasabi ko sa kaniya. Pumaharap ako sa kaniya. Hinihimas himas ko ang t**i ko. Napalunok talaga siya. Hindi na niya maalis ang mga mata niya sa t**i ko parang gutom na gutom na siya. Uhaw na uhaw.
Gusto ko ganiyan din talaga sa Henry sa tuwing makikita niya ang t**i ko. Ipapasubo ko sa kaniya kahit kailan at kung saan niya gusto. Hindi ko ipagdadamot sa kaniya.
“Seryoso ka pre?”
“Hahawakan mo o aalis na ako rito?”
Hindi siya napagpigil at kaagad niyang hinawakan ang t**i ko na hindi ko naman naramdaman, tang ina, pati t**i ko namamanhid na rin ata. Hindi rin naman kasi ako nalilibugan talaga ngayon, madalang lang akong libugan. Kapag gusto ko lang talaga o kung nasa mood ako. Ngayon kasi ang gusto ko lang na mangyari, umuwi sa bahay at matulog. Kung pwede lang din sana, makayakap si Henry.
“Ang laki nito pre. Ang haba. Meron ka bang lahi?” Tanong niya na mangha mangha. Iyong t**i niya kasi kahit matigas na, maliit pa rin. Hindi matutuwa ang babae o bakla sa t**i niya kasi siguro pinili na lang niyang maging bakla pero hindi raw siya bakla. Bahala siya kung anong klase tao siya, “…hindi ko ata mapapatigas ‘to kung hahawakan ko lang. Pero sisiguraduhin kong mapapatigas ko kung isusubo ko. Gusto mo bang isubo ko?”
“Gusto mo bang isubo?”
“Oo.” Napakagat labi pa siya.
“Ang libog mo pala. Sige, luhod. Hindi ko rin maramdaman palad mo. Baka iyang bibig mong madaldal ang magpapatigas sa t**i ko.” Walang ano ano’y bigla siyang pumaluhod at sinubo niya ang t**i ko sa malaway niyang bibig. Medyo nararamdaman ko naman at nang tignan ko siya.
“Ohhh… Henry. Ahhhh… sige isubo mo lang. Iyong iyo lang ang t**i ko. Ahhhhh!” Bigla akong nalibugan. Si baklang nagwasak sa puso ko ang nakikita kong nakaluhod sa aking harapan. Siguro nandito siya ngayon para bawiin ang masaakit na salitang sinabi niya, “…hindi na ako galit sa iyo Henry pero… ginalit mo t**i ko. ahhhhh!” napahawak ako sa buhok niya at tinutulungan ko siyang ilabas masok sa bibig niya ang t**i kong malapit na niyang mapatigas. Naramdaman kong humilam ang sikmura ko.
“Ugh! Malapit na ako.” Bigla siyang napahinto sa pagsubo sa t**i ko at napakunot ang noong napatingala sa akin.
“Ha? Bilis naman ata, hindi pa naman matigas ‘tong t**i mo. Pero sige, lulunukin ko t***d mo.” Sabi pa niya at muli niyang sinubo.
“Tang ina…. ito na.”
BIGLANG bulwak ng suka ko sa mukha niya. Tuloy tuloy ang pagsuka ko. Sumasakit ang sikmura ko at gustong lumabas ng lahat ng alak na nainom ko. Basang basa ang mukha niya ang sinuka ko. Pasalamat siya at wala akong pulutan kanina.
“What the f**k?” Pagkabigla niya. Naghilamos talaga siya ng suka ko.
“Sabi ko sa iyo, malapit na ako eh. Lapit na akong masuka.” Pagkasabi ko ay lumayo na ako sa kaniya at sumuka na ako sa ihian. Naawa na ako sa kaniya. Tumayo naman siya at hinihimas himas ang likod ko.
“Hmm, okay lang iyan. Pwede mo namana kong sukahan. Masarap naman ang suka mo.” Sabi niya na parang na werduhan ako sa sinabi niya at mas lalo pa akong nasuka. Inilayo ko siya sa akin. Pinunasan ko na ang labi ko at pinasok ko na sa loob ng pantalon ko ang t**i ko.
“Hindi na. tama na. Uuwi na ako. At umuwi ka na rin. At huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na pinasubo ko sa iyo ang t**i ko.”
“Ha? Akala ko ba, sabi mo, sa akin lang iyan t**i mo.”
“Tang ina mo. Lumayo layo ka nga sa akin baka hindi kita matantiya.” Iritang pagkakasabi ko, “…hindi ikaw si bakla. At kung hindi ka bakla kaya tigilan mo iyang pagsubo subo mo ng t**i ng ibang lalaki.” Naglakad na ako at nilampasan ko na siya hanggang sa makalabas na ako ng club. Dumiretso na ako kaagad sa loob ng sasakyan ko.
Sinandal ko na lang muna ang likuran ko at ipinikit ko ang aking mga mata.
NAGISING ako ng meron kumakatok sa bintana ng sasakyan. Nasilaw ako sa araw. Tang ina. Tapat na tapat sa mukha ko iyong araw. Hindi pala ako nakaalis kagabi. Nandito pa rin ako sa labas ng bar. Napatingin ako sa kumakatok, isang police officer. Binaba ko ang binata.
“Magandang umaga sir. Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong ko at pinakikiramdaman ko ang buong katawan ko. Nahihilo pa rin ako at parang binabarena ng husto ang utak ko. Ang sakit. Tang ina!
“Pwede ka bang maimbitahan sa presinto?” Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
“Kung tungkol po sa naganap na gulo rito sa club kagabi. Nagbigay na po ako ng statement sa mga pulis kagabi.” Sabi ko habang hinihimas himas ko ang noo. Kailangan kong uminom ng gamot pakiramdam ko sasabog ang ulo ko.
“May patay sa loob ng club. Sa banyo ng lalaki at ikaw ang huling tao na nakitang lumabas sa club. Kaya kung maaari lang lumabas ka sa sasakyan mo at sumama ka sa akin sa presinto.” Sabi niya na nakakuha ng atensyon ko.
“Ha? Pinagsasabi mo?”
“Nakitang patay sa loob ng banyo si Jerome Vera. Tadtad ng saksak sa katawan.”
“Iyong bartender?” Kaagad na tanong ko.
“Yes sir.”