KABANATA XXXI – “HAPLOS NI KAMATAYAN” PWEDE nga naman, mabaliktad ang kaso, pwedeng maging suspect pa ang anak niyang si Paris ang nagplano ng lahat para ipapatay ang magulang niya at kapatid niya. At ang magiging motibo niya? Isa siyang bakla na hindi matanggap tanggap ng nanay niya at kapatid niya kaya naman pinapatay niya ito. Abswelto si tatay Fernan. Hindi pwedeng paniwalaan lang basta-basta ang nirecord ko pero patunay lang ‘yon na buhay na buhay pa ito at bukod sa akin meron pang isang buhay talaga sa bahay noong mangyari ang krimen at wala akong pakialam at wala akong balak tumistigo sa kanila. Katatapos lang namin pag-usapan ang pinarinig ko sa kanila. At iyon nga kaagad ang naging strategy ng baklang attorney na hindi na makatingin pa sa akin ng diretso. Malamang ay tumatak

