KABANATA XXVI – “BURADO” “HINDI mo ba sasagutin ang tawag na iyan?” Tanong ng baklang attorney sa akin. Kanina pa kasi tumutunog ang phone ko. Number lang naman pero sigurado akong si pareng Andrew ‘to. Siguro nakausap na nila si Barbo. Hindi ko alam kung ano iyong kongkretong plano nila pero sana lang nakumbinsi nila ang taong iyon na makipagtulungan para mailabas si Henry sa impiernong iyon. “Noong huling beses na may tumatawag sa akin habang magkasama tayong dalawa. Kinuha mo ang phone ko at hindi ko alam kung saan mo nilagay. Tinapon mo? Sinira mo? Kaya bakit ko sasagutin ‘to, alam ko naman ugali mo.” Sagot ko---ginawa ko, pinatay ko muna ang phone at binulsa ko na lang, “…bago ako makipagkasundo sa ‘yo, gusto ko munang makita ulit ang bata.” Kanina noong lumabas kami sa pabrika.

