GEMSTONE 47 Scarlett/Astrid's POV Napanganga ako at di parin gumagalaw mula sa yakap ni Trey. Lumayo siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. He kissed me. Smack. Namula ako dahil doon at hindi parin makapagsalita. Joke lang yun. Ibig sabihin ba nun... So..hindi totoong may mahal na siyang iba? Joke lang? Hindi rin totoo na nakalimutan na niya yon? Hindi totoong infatuation yon, kasi mahal niya talaga ako? Hindi totoo na gusto niya si Haydee? Joke lang..yun. "Talk, please. Kinakabahan ako sa reaksyon mo--" Trey. Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang hawakan ko ang tenga niya at kurutin yon. "Talagang kabahan ka, kumag ka!!Yaah! Hindi yon magandang biro!" Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay at humagulgol ng iyak. Hindi ko na napigilan. Kanina ko

