GEMSTONE 44 Scarlett/Astrid's POV Day 5 Nanlaki ang mga mata ko at patalon na niyakap si Travis. "Woah!" Travis "Nagawa ko!!" Masayang sigaw ko habang yakap ko parin ito. "Nagawa kong kontrolin ang apoy at hangin sa loob ng dalawa araw, Travis! Wow!" "Okay, okay., fine, fine. Nagawa mo, pero pwede bang bumitaw ka na, can't breathe,you know." Natatawang sabi ni Travis. Kaya humiwalay ako sa yakap. Masaya talaga ako't sa loob ng dalawang araw at kalahati ay nakontrol ko kagad ang gem ko na apoy at hangin. Una, nahirapan ako. Sobra! Nandun yung puro bandage na ang mga braso at kamay ko. Pero hindi ako natinag at tumigil, ganun rin siyempre ang napaka-bait at may mahabang pasensya na si Travis. Una, mali-mali ang mga nagagawa ko. Puro palpak. But look, here I am, rejoicing! Sawakas

