GEMSTONE 55 Third Person's POV Parang binuhusan ng malamig na tubig si Trey sa kinatatayuan niya habang nakatigil sa 'di kalayuan sa dalawang naabutan na nag-uusap. ''Haydee. Leave. NOW!'' Walang emosyon na sigaw nito kay Haydee. Sumulyap saglit ang dalaga kay Scarlett at tumakbo na palayo. Nanginginig na nag-umpisa na maiyak si Scarlett. Puro tanong na ang nasa isip n'ya, takot at lungkot sa nalaman. Naitapon ni Trey ang mga hawak niya at kagad na lumapit kay Scarlett at hinila ito patayo upang mayakap ng mahigpit. Lalo nang naiyak ng malakas si Scarlett at nagpupumiglas sa yakap. ''Ano pa ba ang 'di ko alam?! Ang dami niyo nang tinatago! Sabihin niyo na lahat!'' Umiiyak na sigaw nito. Humigpit lalo ang yakap dito ni Trey at matagal na hinalikan lang si Scarlett sa ulo. ''Astrid,

