GEMSTONE 40 Scarlett/Astrid's POV "Huy! Trey kasi!" Hinihila ko na ang braso nito. Nandito ko siya nahanap sa dorm nakahilata ng higa sa kama. "Pwede ba, Astrid hwag kang makulit.." bulong nito. Nakadapa ito sa kama at nakapikit. "Gusto mo talaga na patagalin yung awayan niyo?! Si Maxinne, kawawa naman! Magsorry ka lang, dali na!!" Pilit ko at hinila na naman ang braso niya. "Hayaan mo yun. Mamaya nalang, Astrid!" Trey "Ang sama talaga ng ugali mo! Bakit ka ba ganiyan, ang bait nila Ace sa 'yo. Gusto mo siguro mawalan ng mga kaibigan, 'no."Pagalit ko dito. Nakapameywang na ako habang ito naman ay nakadapa parin. Tinalukbungan pa nga ang ulo ng unan, loko talaga! "Trey, walang tatagal sa ugali mo kung ganiyan ka ng ganiyan! Magbago ka kaya! Akala mo nakakatuwa yung arogante at rud

