GEMSTONE 57 Khionne Ice's POV ''Magkalapit pa la'ng sila, natutuwa na ako. Paano pa kaya kung nag-uusap!'' Sandy na may malapad na ngiti. ''Siyempre naman, paano ba naman kasi minsan la'ng sila mag-usap ng eye-to-eye contact! Nakakainis, ano! Halata naman silang dalawa, tapos ang shushunga pa.'' Maxinne. ''Kaya nga. Bakit ba ganun? Natotorpe la'ng ba 'yung isa?'' Sandy ''Aba ewan ko sa mga 'yan, simula 12 years old yata kami ganiyan na silang dalawa. Ilag sa isa't-isa! Sila la'ng kaya 'yung ganiyan sa barkada dati pa. Ang sarap batukan, 'no?'' Kanina pa ako nakamasid sa bibig ni Maxinne na walang tigil sa pagbuka at sara. Napaka-ingay! Dinadamay pa 'to si Sandy, lalong tumatagal nagiging madaldal at maingay na rin tuloy 'yung isa. ''Pwede ba, hayaan niyo na sila Paul at Regina k

