GEMSTONE 51 Scarlett/Astrid's POV "Patay na kasi 'yung lolo ko na 'yun. Technically, hindi na 'yun makakatulong." Kakamot-kamot na sabi ni Justine na boyfriend daw ni Angel nang umpisahan s'yang usisain nila Ice. Tungkol naman kay Haydee. Ayon, dahil hatinggabi na nakita namin 'yung pagpalit n'ya sa ibang anyo. Anyo ng mabangis na hayop. Parang hindi n'ya kami kilala. Napakapit nalang ako sa braso ni Trey ng mahigpit. Muntik na kasi n'ya akong atakihin kanina. Nakakatakot. Mukha s'yang mabangis na leon na kulay puti. Pinagtulungan nalang ni Dionne at Travis ito na mailabas ng dorm ni Trey at dinala sa labas. Siguro ikukulong. Hindi ko alam. Nakakaawa si Haydee. "Tch. Sinuggest pa. Ano gigisingin natin sa hukay?" Trey Kinurot ko ito a

