GEMSTONE 19 Regina's POV Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. May kiliti. Kasalukuyang nagsasayaw kami ng slow dance ni Paul kasabay ang iba pang couples. Ang lapit-lapit namin sa isa't-isa at hindi ko mapigilan ang pagkailang. Natetense na naman ako. Ganito na naman kami kalapit. Bakit ba kasi bigla niya akong hinila?! Bakit naman ako nagpahila?! "Uhmm.." Ang awkward talaga paano ko ba ihahandle 'to? "You look stunning tonight." Napalunok ako. Ano daw? Ako ba yung pinupuri niya? May iba pa ba siyang kausap dito? "Uh, thank you." simpleng sagot ko. "Sorry," napatingin na ako ng diretso sa mga mata niya. Sorry? Sorry kasi hindi niya ako gusto at umaasa ako? Regina, kalma. Wala pa siyang sinasabi! Okay. "Bakit?" Kinakabahang tanong ko, "Sorry. For being harsh on you."

