GEMSTONE 17 Scarlett Astrid's POV Wala pa akong dalawang minuto dito pero sobrang sakit na ng ulo ko. Parang binbiyak sa tuktok. Ang sakit sobra. Parang gusto ko nalang iuntog sa matigas na bagay para tumigil yung sakit. Kasabay ng pagsakit ng ulo ko ay ang paghina ng katawan ko. Nanlulumo ang mga kamay at binti ko na parang sobrang pagod na pagod ako.. Nahihirapan na rin ako huminga, pakiramdam ko unti-unting nauubos ang oxygen dito sa loob ng malaking walang laman na silid na ito. Siguro kaya tinawag na Punishment Room ito dahil sa mapangparusang mga bagay na nararamdaman ko ngayon.. At dahil hindi ko na kinakaya ang sakit ng ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo tumayo naako para puntahan ang pinto, Halos matumba na ako pero ayos lang, pinilit ko parin. "PALABASIN NIYO NA A

