GEMSTONE 34 Scarlett/Astrid's POV Nang matapos ako sa pag-iisip. Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko. Madilim na madilim ang paligid at siya lang ang tanging liwanag. Basta ko nalang rin naramdaman na parang buo na talaga ang desisyon ko. Na parang tama na...piliin ko ang naisin ko. Kung saan ako sa tingin ko sasaya.. "Pipiliin ko nalang ang...pagiging responsable sa Crystal Moon." Tuloy-tuloy na sambit ko. Nakatingin lang sa'kin si Serentine na parang may hinihintay pang salita sa bibig ko. Kaya nagpatuloy ako, "Pinapipili mo ako sa dalawang sitwasyon, Ms. Serentine. Una ay ang pinakita mong kaguluhan at pangalawa ay buhay kung saan ako mukhang masaya at tahimik, kung saan buhay ang nanay ko?" unti-unti akong umiling. "Nandito na ako. Dito sa panahon, oras at araw kung saan n

