GEMSTONE 32 Scarlett/Astrid's POV "Matagal pa ba 'yan!!!" sigaw ko mula rito sa sofa ng kwarto niya..Nababagot na ako kakahintay.."Hoy!! Trey!!" inis na sigaw ko.. "Sandali nga! Pakain ko sayo 'tong dumi ko eh! Ano, Astrid, gusto mo?" sigaw rin nito sabay halakhak ng tawa. Poker face na pinulot ko yung tsinelas ko at binato sa pinto ng banyo.. "Letse ka! Baboy!" sigaw ko. Kadiri 'tong lalaking 'to! "Kasalanan mo naman 'to-- Urgh! Ang sakit ng tiyan ko!! Fck!!" Trey Agad na napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pinto ng banyo. "Trey? Ayos ka lang ba diyan?" "Lundagan ko 'yung tiyan mo tapos kapag sumakit tanungin kita kung 'Astrid, okay ka lang ba diyan?'" Sarcastic na sagot nito, ginaya pa yung boses ko.. "Malamang hindi!--Urgh, fvck!!"

