GEMSTONE 12 Ace's POV ''Ano ba, panget! Lumayo ka nga! Dikit ng dikit akala mo mabango eh!'' Huwat! Inamoy ko agad ang sarili ko. Dinuro ko siya, ''Hoy, kung hindi lang kita mahal, naku! Ang bango ko kaya. Pinaligo ko na nga yung pabango ko dahil alam kong magkakasama tayo ngayon tapos nagrereklamo ka pa diyan!'' ''Yun nga eh! Sa sobrang tapang ng amoy, nakakasuka ka na amuyin, duh!'' sabi ni Maxinne sabay irap pa sakin. Itong masungit na 'to never pa naging mabait sakin! Kaya lalo akong naeexcite makita iyong malambing version niya eh. Hindi talaga ako susuko! Ngumisi ako sakanya, ''So, inaamoy mo pala ang nakaka-inlove kong amo-ARAY! OO NA, HINDI NA! AWW! ARAY! MAHAL!'' Maiyak iyak na lumayo ako rito pagkabitaw niya sakin. Ang brutal! Binubugbog niya na ako ng pagmamahal

