GEMSTONE 14 Trey's POV Susundan ko agad sana si Astrid nang hawakan ni Lalaine ang braso ko. "Trey, dito ka lang. Feeling ko nabalian ako ng bones banda dito oh." Itinaas niya ang mini skirt na suot at pinakita ang hita. "What do you want me to do? Sandali, kakausapin ko lang si Astrid." Pero pinigilan niya ako ulit at sumigaw sa sakit ng... ewan ko, ano ba masakit sakanya. "Hindi ako makagalaw, nabalian talaga ako ng buto. Please take me to the clinic," Napahugot ako ng hininga, sinulyapan ko muna ang dinaanan ni Astrid sa labas... wala na rin siya doon. Wala akong nagawa kundi dalhin nalang si Lalaine sa clinic. Kita ko ang mga awa sa mga mata ng mga tao sa cafeteria kanina, siguro nga totoong nauna si Astrid. Pero bakit naman kaya. Nagstay ako sa tabi ni Lalaine habang ginaga

