GEMSTONE 71 Pagkasabi at pagkasabi pa la'ng ni Ben na utos daw ng hari na sunduin kami, lalo na ako, papunta sa Gem Mountain kahit ano mangyari, sumunod kaagad si Trey. Sobrang naguguluhan ako! Pa'no kung hindi pala kami safe sa Ben na 'yan, e nung nakaraan la'ng pinagtangkaan niya pa 'yung buhay ko. 'Yung kinulong pa nga siya sa selda! Kasalukuyan kaming nakasakay sa kabayo na dala nung mga Dark gem holders. At oo nga pala.. "Trey, akala ko ba kalaban 'yong mga Dark gem holders? Bakit tayo susunod, nasisiraan na ba kayo?" Tanong ko dito. "Hindi pa naman.." "Ano ba, seryoso nga!" Inis na sabi ko. "Bakit tayo susunod sa mga kalaban?!" "Kasi—" Hindi na niya natuloy ang sagot nang manlaki parehas ang mga mata namin sa nakita. May batang babae kasi na biglang huminto sa dadaanan n

