GEMSTONE 69 Scarlett Astrid's POV ''Ate Scarlett! Gising ka na, mabuti naman. Salamat naman sa dyos!'' Tuluyan na akong nagdilat ng mga mata. Una kong naaninag si Angel Lynne. ''Mga ate at kuya! Gising na si Ate Scarlett!'' Rinig kong sigaw nito sa matinis na boses niya. Naramdaman ko na may mga taong nagsilapitan sa tabi ko. Tuluyan na akong umupo, naglibot ng paningin. Nandito ako sa tabing-dagat. May normal na hangin. ''Scarlett, mabuti at gising ka na! Akala ko naman magiging sleeping beauty ka pa.'' Maxinne na may malapit na umiyak na tono. ''Seryoso na, Max. Ano ba.'' Ace ''Ano rin ba?! Seryoso ako!'' Maxinne ''Wala na tayong oras! Ano pang ginagawa niyo diyan?!'' Lapit saamin ni Paul. Halos mapanganga ako sa dami ng sugat ni Paul sa mga braso. Tinignan ko rin ng

