Lumapit is Dime king nasaan si Red. "Pwede ba kitang makausap Red?" sabi ni Dime habang nasa Library ito. Halos hindi na niya kasi ito makita at makausap palagi lang kasi itong nasa library at nagkukulong kapag nasa bahay lang at ang mga bata naman hindi naman siya kinakausap. Tinitigan muna ni Red ang itsura nito, nag-iba na ang kulay ng buhok nito bumalik na sa dating hitsura nito na blonde at kulot. Pero hindi pa rin nagbago ang galit niya sa mga ginawa nito. "For what? Hindi ka pa ba masaya na wala na rito ang asawa ko!" mariing sabi nito. Hindi na niya hinintay pang papasukin siya kaya kusa na siyang pumasok at naupo sa tapat nito. "Look! I'm sorry Red. Gusto lang kitang makausap. Gusto ko lang mag thank you at magpapaalam lang ako nang maayos," she sighed. "Aalis na ako mamayang

