"Iho dito ka na maghapunan," aya ng Lola Maming. "Hindi na po lola, aalis na po siya," sabat ko. “Hindi ba Red, aalis ka na?" tanong ko kay Red na may pilit na ngiti sa'king mga labi. Lumapad ng ngiti sa mga labi nito. "Sige po, Lola. Tamang -tama nagugutom na nga rin po ako, eh," mabilis na sagot naman ni Red. Napasimangot ako sa ginawa nito at napangiti lang ito sa'kin sa naging reaksiyon ko sa sagot niya. "Oh, siya magpahinga na muna kayo doon sa sala ako na bahala rito," sabi naman ng Lola. Lihim kong hinila palayo si Red palayo dahil sa inis sa pagpayag niya sa alok ng Lola na dito maghapunan. "Ano ka ba Red? Ano bang ginagawa mo? Paano ang mga bata? Naghihintay sa'yo ang mga 'yun?" inis na wari ko rito. "Nag-aalala ka sa mga bata?" nakangiting sabi nito. Eh, di umuwi ka na ng

