"Sigurado ka ba magaling ka na?" tanong ni Red sa'kin. "Oo, okay na ako." "Ganun ba,” may lungkot na bahid sa boses niya. ”Gusto ko kasing dito ka lang muna sa tabi ko." "Ano ka ba? Hindi pwede may trabaho ako at isa pa dalawang araw na akong absent. Nakahiya na kay Clyde." "Kailangan mo na ba talagang pumasok? paglalambing nito. "I can call Clyde para e-file ka ng leave." "Hindi na. Talagang magaling na ako at kailangan ko na talagang pumasok, hon." "Please." "Uuwi naman ako mamaya ng maaga at isa pa ikaw wala ka bang planong pumasok?" Napasimangot na lang ito. "Sige na nga mamaya na lang," pagmamaktol na sabi nito. "Hon, wag ka nang magalit ipagluluto na lang kita ng paborito mo mamaya." "Ano ka ba. Hindi naman ako galit, no, pero gusto ko 'yung sinabi mo," masayang sabi nito.

