Malalakas ang kabog ng dibdib ko sa kabang hindi ko maintindihan habang nasa harap na ako ngayon sa malaking gate ng bahay ni Red. Nagdadalawang isip kung tutuloy ba ako o hindi. May kung ano'ng pumipigil sa'kin na h'wag nang tumuloy. "Hindi!" sabi ko sa sarili. "Kung ano man ang kahahantungan nito tatanggapin ko. Kung nagbago na talaga si Red kaya hindi niya ako nasundo tatanggapin ko. Kaya ko 'to!" napabuntonghininga pa ako sa sinabi ko bago nag-doorbell. Ilang segundo pa nang dumating ang katulong at nagulat ito nang makita ako. "M-ma'am Dhea! Kayo po pala," sinipat ako nito mula ulo hanggang paa at tiningnan ang dala kung bag. "Inday pakibukas naman po." "Bakit pa po kayo nag-doorbell at hindi na lang po kayo pumasok kaagad? At bakit may dala kayong bag? Saan po kayo galing?" "Nah

