Linakasan ko ang loob at iminulat ang mga mata at bumangon. Hinintay kung mapansin ako ng mga ito. "D-dhea!" saad ni Charita nang makita ako nitong nakaupo na. Mabilis akong linapitan ng mga ito. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Charita. Pero hindi ako kumibo at nahalata naman ng mga ito ang hindi ko pag-imik sa mga ito. Napayuko si Charita bago nagsalita. "You've heard it, right?" malungkot na sabi nito. Lumapit naman si Antonio at hinimas ang likod ng asawa. "We can't blame you kung itatakwil mo rin kami...Just like your sister did," basag ang boses na saad nito dahil naiiyak na ito. Gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa bagkus awa ang nararamdaman ko sa mga ito. Hindi ko napigilan ang mga luha ko, hinawakan ko ang kamay nito.

