Awang-awa ako kay Sandra lalong-lalo na kay Clyde. Kahit naman inis ako dito, hindi ko naman ginusto ang mapahiya at masaktan ito. At mas lalong hindi ko hinangad na magkasira sila ni Clyde. Napabuntong-hininga na lang ako habang tinatanaw ang paghabol nito kay Clyde. I felt guilt na baka hindi matuloy ang kasal ng dalawa ng dahil lang sa'kin. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dime. "Yeah. I'm fine. Ikaw nasaktan ka ba?" "Nope." Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Sana hindi mo na lang sinabi 'yun," malungkot na saad ko. "C'mon sis. H'wag mo siyang kaawaan. She is worst than me and besides she deserves that. Hindi naman talaga aabot ng ganun kung hindi sa mga plano niya. She is the one pursuing me to do that at dahil sa galit ko, kaya nadala ako sa panunulsol niya." "But

