Napapatawa talaga ako ni Clyde kahit ano'ng pinagdadaanan ko. Kaya ito ang naisip kung tinawagan para mabawasan ang bigat ng dibdib nang nararamdaman ko at magkaroon ng karamay sa oras na 'to. "Hindi nga, seryoso na. Ano ba talaga nangyari?" tanong ni Clyde. Napabuntong-hininga muna ako. "Si Dime kasi." malungkot na saad nito. "What about her?" "Huh!" buntonghininga ko ulit. " Nasa bahay na naman." "What?!" "Oo, nasa bahay naman. Nagmamakaawa na patirahin siya ni Red ." "B-bakit daw?" I sighed. "Pinutol na raw ng mga Mamita niya ang lahat ng accounts niya." "Lagot! bulong nito. "C-clyde bakit may alam ka ba sa nangyari kay Dime?" "Ha! W-wala." mabilis na sagot nito. "Ano naman ang sinabi ni Red. I frowned. "Ayun tumiklop na naman at pumayag sa pagbait-baitan ng babaeng 'yun."

