DEANS:
deans may urgent bussiness trip ako sa tuesday hindi ako makakasama sa farm..its jas,,its been a week na pala mula nung nangyari yung gabing yun,,akala ko naman makakausap ko na siya ng maayos,,pero hindi parin pala ang sungit talaga..naging sweet na nga ako wala paring epekto..
flashback:
hoy batang instik na manyakis..tawag ng isang boses sa likod ko kaya napalingon ako nasa parking lot na kasi ako ready to go home na,,tapos na yung set,,si jas and tots kaaalis alis lang ..
what?hindi ako manyakis..seryosong sagot ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay kaya napabuntong hininga ako,,magsusungit na naman to..
whatever..hindi mo ako makukuha sa pa flower at coffee mo may atraso kapa sakin..mataray na sabi niya kaya kumunot yung nuo ko,,what seriously ako pa yung may atraso..
oh ano na naman gagawin mo,,wag kang lalapit sakin..matapang na sabi niya nung akmang lalapit ako sakanya may dumi kasi sa gilid ng labi niya,,pero isang hakbang ko palang mabilis siyang tumakbo papasok sa resto..natawa nalang ako sa ginawa,,sayang hindi ko parin nakuha yung pangalan niya...after that day hindi ko na ulit siya nakita..
eof..
deans ako din pass muna ha,,sasamahan ko si mom umuwi kila lolo..si tots kaya tumango ako..
its ok kaya ko naman...for sure lang hahanapin nila kayo..sagot ko kaya bumuntong hininga sila..
bawi kame next time deans pakisabi nalang..sabay nilang sagot kaya tumango ako..
deans may lakad kapa mamaya after work..tanong ni jas kaya napatingin ako sakanya..
hhmmm dadalaw ako kay grandma and dad..sagot ko kaya tumango siya..its a long day for us,,sobrang dameng trabaho ngayon but its all worth it naman dahil mas nagiging maayos ang kumapanya..
pano bukas nalang ulit..family day muna ngayon..si tots bago kame maghiwahiwalay sa parking lot,,napabuntong hininga nalang ako pag pasok ko sa kotse,,family day sila,,pano ako,,nailing nalang ako sa naisip ko,,daan nalang ako sa resto magpapaluto nalang ako ng dinner dun nalang ako mag dinner with grandma and dad...like what jas said its family day..
hi dad/grandma...sana po masaya kayong dalawa dyan,,can't wait to see and hug you both na but i know naman na this is not the right time for that,,maybe soon magkikita ulit tayo..para akong tanga nag sasalitang mag isa habang nilalagay yung bulaklak na dala ko para sa kanila..
look dad i bring your favorite salad,,and grandma here's your favorite pasta..daldal ko parin habang nilalagay yung pagkaing dala ko,,napangiti nalang ako sa ginagawa ko,,as if naririnig nila yung sinabi ko,,i really miss them both,,but its ok i know naman they happy na and no more pain..
grandma kelan ko kaya makikita yung taong may hawak nung half nitong kwintas..akala mo naman she can answer me..hhhm tamang tama uuwi ako sa farm this week pwede akong pumunta dun sa burol kung san binigay sakin ni grandma tong kwintas..i really dont know kung ano bang meron sa kwintas na to,,ang alam ko lang sobrang halaga nito para kay grandma and i dont want to dissapoint her..
kuys wag mo kalimutan sa thursday ha birthday ni papa,,dadating si ate ipapakilala kita wag kang mawawala ha..message ni mafs..napangiti nalang ako nung maalala kakulitan ng batang to...
=================================================
JEMA:
ikaw..gulat na sabi ko nung makita ko yung kwintas ni jhonvic yumuko kasi siya para tulungan akong pulutin yung nahulog na gamit ko,,hindi ako pwedeng magkamali parehong pareho siya ng kwintas ko..
ha?takang tanong niya kaya bumuntong hininga ako..
aaaahhh wala wala..san galing yang kwintas mo,,ngayon ko lang nakitang suot mo..tanong ko kaya napatingin siya sa suot nyang kwintas saka hinawakan..
ahh bigay ni mommy,,she said na bigay daw sakanya to ni lola before..sagot niya kaya napalunok ako,,siya naba yung hinahanap ako..pero pano?pano kung hindi lang siya yung may ganitong kwintas..
ah ok,,sige alis na ako..nagmamadaling sabi ko saka siya tinalikuran,,seryoso ba to,,siya ba yung may ari ng half nitong kwintas pero pano kung hindi..
hoy jemalyn,,ang lalim niyan ha..si kyla nandito na pala siya sa harap ko ,nauna kasi akong umuwi ng condo..
si jhonvic..biglang sabi ko nalang kaya napakunot yung nuo niya..
ano?bakit anong ginawa sayo ni jhonvic..tarantang sabi niya kaya napabuntong hininga ako..
si jhonvic may kwintas na gaya nitong kwintas ko..diretsong sabi ko kaya napasigaw siya ng ano...kainis lakas ng boses..
seryoso ka jemalyn?yung taong hindi mo pinapansin baka siya yung taong matagal mo nang hinahanap..seryosong sabi niya kaya napahilamos ako sa mukha ko,,pano nga kung siya..
e anong plano mo,,baka kaya kahit hindi mo siya pinapansin hindi parin siya tumitigil ng pangungulit sayo kasi siya yung destiny mo..daldal parin ni kyla kaya napatingin ako sakanya ng seryoso,,pano ako makakasiguro na siya yung pinapahanap ni lolo..
ok naman si jhonvic best,,mabait naman,gwapo saka tulad mo engineer din..daldal parin ni kyla,,
diba gusto ka niyang ligawan bakit hindi mo bigyan ng chance para makilala mo talaga siya,,lagi mo kasing dinededma..daldal parin niya habang nagchecheck ng phone niya..tama bang bigyan ko siya ng chance pero pano kung hindi naman pala siya,,pero pano kung siya pala talaga...gggrrrr lolo give me sign naman kung siya na yung gusto niyong hanapin ko..
hindi ko alam best,,ewan naguguluhan pa ako,,pano kung hindi siya..seryosong.sabi ko kaya napatingin siya sakin
eh pano kung siya..sagot niya kaya napasabunot nalang ako sa buhok ko..
napatingin naman ako sa sunflower na nasa flower vase,,one week na pero hindi parin siya nalalanta,,isa pa tong batang intsik na to one week nang hindi mawala sa isip ko..ggggrrrr nakakainis na,,ano ba tong nangyayari sakin bakit ba pakiramdam ko gusto ko siyang makita...