Kabanata 1

1130 Words
[ Kabanata 1 - Pagdiriwang ] Masigla at makulay na umaga ang buong bayan ng Carmona, makukulay na bandaritas, nakakaindak na tugtugan, masaganang handaan at masisiglang mga musiko ang makikita. Ngiti sa mukha at ramdam ang saya sa bawat mga mamamayan habang sinasayaw ang mga magagandang tugtugin mula sa mga musiko na nagtatanghal sa plaza. "Hija, ika'y bumangon na diyan. Dadating ang mga kamaganak ninyo galing sa kabilang bayan, iniutos din sa akin ng iyong ama na ika'y aking ayusan para maganda at maaliwas kang tignan sa mga bisita mamaya sa piging" rinig kong gising sa akin ni Manang Juana, Mayor Doma sa aming mansyon. "Wala paring kupas ang pagdidiriwag ng fiesta sa ating bayan. Tunay nga pong isa ito sa mga puntahan ng mga turista na galing sa malalayong bansa at Europa" saad ko kay Manang Juana habang inaayos ang aking pinaghigaan. "Tunay ka dyan hija, sa aking pagkakaaalam mga kaibigan ng iyong ama na nagmula pa sa Europa ang mga panauhin natin mamaya sa pagsasalo. Atsaka nga pala hija, nais ka ipakilala ng iyong ama sa binatang anak ng Gobernador Buencamino ng kabilang bayan." "Si Eduardo Buencamino, isa syang abogado na nagaral pa sa Europa , makisig na lalaki at may maamong mukha, tunay ngang kaibig ibig ang binatang iyan at ang balita ko, maraming mga binibini ang nagkakagusto sa kanya" dagdag ni Manang Juana. "Siya po ba ang sinasabi sa akin ni ama noong isang gabi?", "Oo, sya ang binatang may pagtingin sayo hija" natatawang sabi sa akin ni Manang. "Ikaw talaga Manang Juana agang aga puro sa pagibig agad ang pinagkwkwento mo " natatawa kong sabi sa kan'ya . Maging sya ay hindi napigilan mapahalakhak kaya lubos kaming nagtawanan. "Oh s'ya mamaya na natin ipagpatuloy ang ating pinaguusapan ika'y gumayak na at magayos para makita mo na ang pag-aayos ng mga kasambahay at mangagawa sa salas para sa gaganapin mamayang pagsasalo. " saad ni Manang nang nakangite at ramdam ko sakanya ang saya at pagkasabik para sa gaganaping piging mamaya. Tanging ngiti at tango ang naging sagot ko sa kanya. Nang matapos ako sa pagaayos bumamaba na ako upang tignan ang mga paghahandang ginagawa sa aming salas. "Magandang Umaga Ate Elisa!" magiliw kong bati sakaniya, "Bagay sayo ang pulang saya, Iyan ba ang binurdang saya ni ina para saiyo ? Tunay ngang napakagaling magburda ni ina," namamangha kong sabi sa kan'ya. Si Ate Maria ang panganay sa aming pangatlo magkakapatid, may pagkamaldita at mataray. At tanging siya lamang ang naiiba sa aming magkakapatid. Sinamaan n'ya lang ako ng tingin at patuloy s'yang umaalis. "Oh Danilo, Magandang Umaga sa iyo!" masaya kong bati sa kan'ya. Siya ang bunso sa amin. Matalino at mahilig syang magpinta kaya naman lubos ang paghanga sa kan'ya nina Ama at Ina. "Magandang Umaga din sa'yo maganda kong ate" bati niyang may pambobola. "Ikaw talagang bata ka!" at hindi namin napigilang magtawanan. "Nasaan sina Ama at Ina?" tanong ko kay Danilo. "Si Ina ay nasa kanila pang silid at nagaayos, si Ama naman ay pumunta muna sa kan'yang opisina sa Munisipyo para may ayusin na mga papel na kakailanganin para sa pagsasagawa at pagaayos ng simbahan ng Parokya ng San Jose na doon gaganapin ang magiging misa sa susunod na araw para sa pasasalamat sa Imahe ni San Jose sa fiestang gaganapin ngayon" saad ni Danilo. Malinawag na ang buwan, patuloy nang nagsisidatingan ang mga paunauhin ng pamilyang Cabrejas. Makikita agad sa labas ang malinawag at punong puno ng makukulay na palamuti na lalong nagbigay ng ganda at kinang sa kanilang napakagandang mansyon. "Buenas noches Don at Donya Cabrejas!" bati ng mga mayayamang pamilya na dumalo sa piging. "Don Cabrajes, nandiyan na po ang pamilyang Buencamino." saad ng isang lalaking naninilbihan sa Don. "Papasukin sila at bigyan ng magandang pagsalubong" saan ni Don. Nang pumasok na ang pamilyang Buencamino sinalubong sila ng masiglang palakpakan at nakakaindak na tugtugan na mula sa orkestra. "Magandang Gabi Don Elias Cabrajes," masayang bati sa kanya ni Don Filipe Buencamino. "Nagagalak akong makita kita muli mahal kong kaibigan." "Manang Juana" tawag ni Don Elias. "Bakit po Senyor?" tanong ni Manang. "Papuntahin muna sina Elisa, Luna at Danilo sa piging para maipakilala ko na sila sa ating mga panauhin." utos nito. "Sige po senyor" matipid na sabi ni Manang Juana. "Luna bumaba kana riyan, nais kayong ipakilala ng inyong ama sa ating mga bisita ngayon gabi " rinig kong sabi ni Manang sa akin. "Manang, may nais po sana akong tanungin" tumango naman ang Mayor Doma senyales na maaari na itong magtanong. "Matalik po bang kaibigan ni Ama si Gobernador Filipe?" tanong ng dalaga. "Bakit mo naman natanong hija?", "Wala po Manang, nais ko lang pong malaman kung lubos na kakilala ni Ama si Don Filipe, dahil nais ko pong mapabuti ang relasyon nilang dalawa at hindi maghantong sa pagkasira ng ating mga bayan pag meron silang hindi pagkakaunawaan. Nababalitaan ko po kase, na sa ibang lungsod sa Maynila ay nagkakawatak at nagkakaroon na ng g**o ng dahil sa hindi pagkakaunawaan." may kung anong bumabagabag sakaniya habang siya'y nagsasalita. " Hindi mangyayari iyon Hija, matagal na silang magkaibigan ng iyong ama tiyak mas lalakas pa ating bayan" saad ni Manang Juana upang pagaanin ang loob ng dalaga. "Eduardo, ito nga pala ang aking anak, si Luna" pagpapakilala ni Don Cabrejas. "Nagagalak akong makita ka muli Binibini." saad ng binata ngunit isang tipid na ngiti lamang ang tugon ko sa kaniyang pagbati. Nagsimula nang tumugtog ang orkestra ng mga nakakaaliw at nakakaindak na tugtugin, maging ibang panauhin ay napapaindak sa mga masisiglang musika na bumabalot at naririnig sa buong mansyon. "Binibining Luna, maari ba kitang maisayaw?" kinakabahang alok ni Eduardo. "Maraming salamat Ginoo sa iyong alok, ngunit paumanhin hindi ako sumasayaw". Bakas sa mukha ni Eduardo ang paghihinayang at lungkot dahil hindi n'ya maiisayaw ang babaeng matagal na nyang napupusuan. "Naiintindihan ko, binibini. Salamat at Magandang Gabi" saad n'ya at binigyan n'ya ako ng matipid na ngiti. "Ama at Ina, nais ko munang magpahangin sa labas." tumango naman sila bilang tugon. Lumabas ako sa salas na kung saan ginaganap ang pagsasalo. Madilim na sa hardin na kung saan do'n ako nagpapahangin, tanging buwan ang nagbibigay liwanang at ingay ng kuliglig ang nagbibigay ng ingay sa paligid. "Napakagandang mga pulang rosas san—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko na may bigla akong may narinig na pamilyar na boses mula sa aking likuran. "Kasing ganda mo ang pulang rosas na iyan, binibini." aniya. "Binibini para sayo, kasing ganda mo ang mga pulang rosas na iyan" dagdag niya pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko at tanging bilis ng t***k ng aking puso ang naririnig kong bumabasag sa tahimik na paligid at kaba ang aking nararamdaman ng ibininigay ng isang Ginoo ang isang rosas at hinalintulad ito sa akin. "Eduardo.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD