Kabanata 14

1165 Words
NILINGON ni Duwayne ang driver, napansin niyang pinagmamasdan siya nito. "What?" "Sir, ayaw mo bang tulungan natin ang babae?" Humalukipkip siya at isinandal ang likod sa upuan. "Let's go," sa halip ito ang sagot niya sabay pikit ng mga mata. Tuloy pa rin ang pagkatok ni Hannah sa bintana ng kotse kahit walang balak ang lalaki na tulungan siya. Naramdaman niya ang pag-usad ng sasakyan kaya napaatras siya. "Aray!" Natapilok siya kaya napasalampak sa sementong daan. Kaya siguro pinagpalit ni Maricar ang boyfriend nito dahil sa pagiging arogante. Dumadaing habang hawak ang masakit niyang balakang at paa. Dito na yata siya sa kalsada magpapalipas ng magdamag. Abala siya sa pag-massage ng nasaktang paa kaya hindi namalayan ang paghinto ng kotse sa gilid niya. "Get in!" Parang dagundong ng kulog ang boses ng lalaki. Awtomatikong umangat ang ulo ni Hannah. Nakita niya muli ang galit na mukha ng lalaki kahit naka-side view ito. "I said, get in!" Mabilis pa sa segundong tumayo siya. Paika-ikang sumakay siya sa kotse. Umupo siya sa tabi ng lalaking singdilim ng gabi ang ekspresyon ng mukha. Pilit na kinalma niya ang sarili kahit gustong tarayan ang katabi. "Thank you!" Pilit ang salitang namutawi sa kanyang bibig. Hindi siya pinansin ng lalaki. "Mang Roberto, umalis na tayo." Tumalima naman ang drayber. "Saan ka namin ibababa?" tanong ni Duwayne sa kanya, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "H-hindi ko alam," wala sa loob niyang sagot. Kumikirot ang kanyang isang paa kaya patuloy itong minamasahe. Napilitan naman si Duwayne na sulyapan ang babaeng katabi. "Anong hindi mo alam?" Agad naman napansin ng binata ang ginagawa ng babae. "Masakit ba ang paa mo?" "Medyo," tipid na sagot ng dalaga. Gustong ipamukha ni Hannah sa lalaki na kasalanan nito kung bakit sumasakit ngayon ang isang paa niya. Subalit natakot siyang magsalita baka hindi nito magustuhan at ibaba siya sa kung saan. Nagulat si Hannah nang bigla abutin ng lalaki ang paa niyang sumasakit. Ito naman ang humalili para mag-massage niyon. Sinapian yata ito ng isang dosenang anghel. Lihim na ikinatuwa niya 'yon. Napakagat-labi siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Ang kanina'y galit na tigre, ngayon ay naging maamo na parang tupa. In fairness, guwapo siya! sa loob-loob ni Hannah. Napansin naman ni Duwayne ang ginawang pagtingin ng babae sa kanyang mukha pero nagsawalang kibo na lang siya. Kinakain siya ng sariling konsensya. Lihim niyang sinisisi ang sarili kung bakit nasaktan ito. "Pwede ba akong makahiram ng cell phone?" Nagbabakasakali ang dalaga na baka sakaling pumayag ang lalaki. "Sure." Binitiwan nito ang isang paa niya at may dinukot sa bulsa sa suot na jacket. Inabot nito sa kanya ang cell phone. "Here." "Thank you," pasasalamat niya. "Masakit pa ba ang paa mo?" Tingin niya ay sincere naman ito. Umiling siya. "Hindi na masyado, salamat." Nagsimulang mag-dial si Hannah, unang tinawagan ang kanyang ina. Sermon agad ang natanggap niya mula rito. "Tumirik po ang kotse ko, Ma. Hindi ko alam kung anong lugar ito." "Nasa Sitio Camiling tayo, Ma'am." Nakita ni Hannah sa rear-view mirror ang mukha ng drayber, nagpasalamat siya rito. "Kanina pa ako tumatawag sa cell phone mo. Bakit hindi kita makontak?" anang ina sa kabilan linya. Narinig yata ng katabi ang sinabi ng kanyang ina dahil tumingin ito sa kanya. "I-I lost my phone, Ma." Parang may nakaharang sa lalamunan niya sa pagsisinungaling. "Tatawagan na lang po kita bukas. Hiniram ko lang kasi itong cell phone." "Sabihin mo sa akin ang eksaktong address kung saan ang sasakyan mo para puntahan nina Mang Alfonso at Carlos." Ang kanilang family driver at guwardiya ang tinutukoy nito. Ibinigay niya sa drayber ang cell phone. Ito ang nakipag-usap sa kanyang ina. Muli siyang tinanong ni Duwayne kung saan siya bababa. "Saan ba kayo pupunta?" tanong niya rito. Maang namang napatingin ito sa mukha niya. "Naghahanap kasi ako ng lugar na maari kong pasyalan. Gusto kong ipahinga ang aking isip. Marami kasing hindi magandang nangyari recently sa buhay ko." "Sa Samar province. Malayo ang lugar na 'yon kaya hindi ka puwedeng sumama," tugon nito, at sumulyap sa kanya. "Isama n'yo na lang ako, please?" pakiusap niya rito. Sinubukan pa nga niyang magpa-cute baka sakaling pumayag ito. "Hindi pwede!" mabilis na sagot ni Duwayne. "Magbabayad ako ng pamasahe sa 'yo, isama n'yo lang ako sa Samar. Kapag naroon na tayo sa probinsiya, hahanap ako ng pansamantalang matutuluyan. Gusto ko lang talaga makalayo muna sa Manila," mahabang litanya niya. "And I said, no!" mariing muling tanggi ni Duwayne. "Maraming hotels dito sa Camiling." "Please?" muling pakiusap ni Hannah. Hinawakan pa ang isang kamay ni Duwayne. Umiling lang ito. Napagod na sigurong magsalita. Malungkot na binitiwan ni Hannah ang kamay nito. Mukha ngang ayaw siyang isama sa pupuntahan. Ibinaling na lang sa bintana ang paningin kung saan ay nakikita niya ang mga kabahayan sa gilid ng kalsada. UMAGA. Panay ang halik ni Maricar sa likod ng leeg ni Froilan, kasalukuyan palabas ng suite ang dalawa. "I'll take you to your house first and then I'll go to the studio," ani Froilan. Hinuli ng labi nito ang labi ng babae. Pinihit nito ang door knob at hinila ang dahon ng pinto. Maririnig ang ingay ng mga kamera na panay ang kuha ng larawan sa dalawa. Mabilis na inilayo ni Froilan ang labi kay Maricar nang masilaw ito sa liwanag na nagmumula sa mga camera. "Oh, my gosh!" gulat na sambit ni Maricar. Hindi malaman kung paano itatago ang sarili sa harap ng mga press na naroon sa tapat ng suite ng actor. "Froi–what's happening?" "I don't know!" tiim-bagang sagot ng lalaki. Nagtago naman si Maricar sa likod nito. "Totoo ba ang balitang may relasyon kayong dalawa ni Miss Maricar Asuncio?" tanong ng isang lalaking may dalang camera, isang media press. "No comment!" ito ang itinugon ni Froilan. Panay ang takip sa mukha gamit ang isang kamay. "Magandang umaga sa inyong lahat. Narito kami live sa tapat ng condo unit ng male actor na si Froilan Dantes. At tulad ng napanood natin sa live video ng actress na si Hannah Lindsey, magkasama nga ang dalawa. Mukhang pinatotohanan ng actress na siya ang totoong biktima." "Itigil mo 'yan!" agad na saway ni Froilan sa isang matabang babaeng nagbabalita live. "Katulad ng sinabi ko sa interview, matagal na kaming hiwalay ni Hannah Lindsey bago ko pa man makilala si Maricar. Private life namin ito, hindi n'yo dapat pinanghihimasukan!" Panay naman ang hila ni Maricar sa isang kamay ni Froilan, pilit nitong pinababalik sa loob ng suite ang actor. "Bakit kailangan sabihin mong si Hannah Lindsey ang dahilan ng hiwalayan n'yo?" "Dahil 'yon ang totoo!" galit na sagot ng lalaki. Pagkasabi niyo'y muling pumasok sa loob ng suite. Panay ang katok ng mga press na nasa labas ng pinto. "Don't open the door!" sabi ni Maricar habang nakasapo sa sariling noo. Hindi ito mapakali. Marahas na napabuga ng hangin si Froilan. "Love, relax. Everything will be fine." "Paano ako ma-re-relax? Nakuhanan tayo ng larawan na magkasama. Dito pa mismo sa condo mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD