Kabanata 2

1029 Words
HINDI nakatiis si Hannah. Pinihit niya ang door knob, hindi naka-lock. Bahagya niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Froilan na may kaulayaw sa ibabaw ng kama nito, tuloy sa pag-indayog sa ibabaw ng nobyo niya ang babae. Mukhang hindi sila namalayan ng dalawa. Pilit niyang pinaniwala ang sariling hindi totoo ang nakikita. Panay ang bulong niya sa hangin na ang eksenang nagaganap sa kanyang harapan ay isang guni-guni lamang. It was just a dream. A very bad dream. She'll wake up anytime soon… Ngunit bakit hindi mawala sa paningin niya ang dalawa? Bakit ramdam niya ang kirot sa puso niya? Kailan matatapos ang masamang panaginip niyang iyon? "Stop!" halos hindi niya namalayang sumigaw siya. Parehong nagulat ang dalawa. Naitulak pa ni Froilan ang babaeng nasa ibabaw nito. Tumili ang babae dahil bumagsak ito sa lapag. Para siyang natuklaw ng ahas nang humarap sa kanya ang babae. "Maricar?" "H-Hannah!" bulalas ni Froilan sa nanlalaking mga mata. Mabilis na isinuot ang dinampot nitong brief sa lapag at agad lumapit sa kanya. Yayakapin sana siya ng nobyo pero isang malutong na sampal ang dumapo sa kanang pisngi nito. "P-paano mo nagawa sa akin 'to, huh?" Hindi niya napigilan ang mga luhang umalpas sa kanyang mga mata. Niyakap siya nito nang mahigpit. Pinagsusuntok naman niya ito sa dibdib. Tila ba sa paraang iyon ay maibsan ang galit, sakit, at sama ng loob niya. "Let go of me! You're disgusting!" "I'm sorry," usal ni Froilan, hawak nito ang dalawa niyang kamay. "Sorry?" masama ang loob niyang sabi. "That's it?" "It's nothing!" Parang ito pa ang galit sa kanya. "It's nothing?!" ulit niya sa sinabi nito. "Ganoon na lang 'yon? Ito ba ang sinasabi mong may sakit ka, ang makipaglampungan sa malanding babae na 'yan?" Lalapitan sana ni Hannah ang babaeng kaulayaw ng nobyo nang siya ay matigilan. Nakita niyang mahigpit na hawak ito sa isang braso ng nakita niyang lalaki kanina. Naririnig niya ang bangayan ng dalawa. Ibig lang sabihin pareho sila ng lalaki na biktima ng mga taksil nilang kasintahan. Lumapit sa kanila ni Froilan ang lalaki, nagulat siya nang bigla nitong hinaklit sa braso si Froilan at inundayan ng suntok sa mukha. "No!" tili ni Hannah. "Tama na 'yan!" Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang pipigilan niya. Nakita niyang gumaganti na rin ng suntok si Froilan sa lalaking hindi nila kilala. Nakita niya ang paglapit ni Maricar sa dalawang lalaki na nagpapalitan ng suntok. Nangangati ang mga kamay niya na sabunutan ito pero pinigil niya ang sarili. "Duwayne, stop it!" sigaw ni Maricar habang pilit hinihila ang nobyo. Hindi naman ito pinapansin ni Duwayne, pero binitiwan naman nito si Froilan. "World is so beautiful, but alas! There are so many assholes and you are one of them! You already have a girlfriend but you are still not satisfied. Pati girlfriend ng iba ay tinikman mo!" nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Duwayne kay Froilan, hindi naman nakaimik ang huli. Hindi malaman ni Hannah kung maaawa ba siya sa nobyo dahil dumudugo ang gilid ng labi nito, o matutuwa siya dahil nararapat lang na masaktan ito ng lalaking iniputan sa ulo ni Maricar. Nakita niya ang pagtalikod ng lalaki kay Froilan. Nakasunod dito si Maricar na mabilisang isinuot ang damit. Tumigil sa harapan niya ang lalaki, para ng mansanas sa pula ang mukha nito. Pinakatitigan siya nito sa mga mata na nagbigay kilabot sa kanya. Napamulagat siya nang bigla na lang siya nitong siniil ng halik sa labi. Bago pa ito maitulak ay pinakawalan na siya nito. Habol niya ang paghinga dahil sa ginawa nitong kapangahasan sa kanya. Isang mapaghiganting halik. Dahil siguro sa ginawa ni Froilan sa nobya nito. Hindi naman siya ang may atraso sa lalaki, kundi ang taksil niyang nobyo! "How dare–" "Huwag mong ituloy ang iyong sasabihin kung ayaw mong ulitin ko," babala nito sa kanya. Napalunok siya. Hindi nagsalita. Madilim pa rin ang mukha ng lalaki nang talikuran siya nito. Nakita niyang humabol si Maricar sa lalaki. Naiwan naman silang dalawa ni Froilan. Lumapit ito sa kanya na parang hindi naapektuhan sa ginawang paghalik sa kanya ng lalaking estranghero. "Hannah, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Believe me, I didn't mean to. I was just tempted," pagsisinungaling pa nitong sabi sa kanya. Pagak siyang tumawa. Paanong hindi sinasadya? Ano 'yon, magic? Kusang bang nakapasok sa kuwarto nito si Maricar? Mabuti sana kung kissing scene lang ang nakita niya. She caught him having s*x with Maricar. She looked straight into his eyes. "Did you really love me?" she asked. Hindi ito sumagot, bagkus ay umiwas ng tingin sa kanya. May bahagi sa kanyang puso na alam niyang mahalaga rin siya sa nobyo, na hindi siya nito gustong saktan. Ilan sa mga kaibigan ang nagtanong sa kanya, kung kailan siya susuko at titigil sa pakikipagrelasyon kay Froilan. Dahil kahit ang mga ito'y napapansin ang hindi magandang pagtrato sa kanya ng lalaki kahit nasa harap o likod pa man ng kamera. Ang madalas niyang sagot sa mga kaibigan ay 'never'. She was convinced na mamahalin niya si Froilan until the very end. Ngunit hindi niya inakalang darating pala ang araw na magigising siya sa katotohanan. Na mapapagod at susuko na siya. Narinig niya ang pagtikhim ni Froilan pero wala pa ring sagot sa tanong niya. "You don't love me," siya na mismo ang sumagot sa sariling tanong. Muling napaluha at mapait na pilit siyang ngumiti. Hannah nodded. Kahit naman hindi nito sagutin ang tanong niya, she already knew the answer. In fact, she had known the answer for a long time, she just couldn't accept it. She didn't want to give up, makulit lang talaga ang puso niya. Patuloy siyang umaasa na mahalin din siya ni Froilan, tulad ng pagmamahal na ipinakita at ipinadama niya rito. "Mahalaga ka sa 'kin, Hannah," halos pabulong na sabi ni Froilan. She smiled. Her smile was full of bitterness. "Wala ka nang ibang sasabihin sa 'kin?" Froilan shook his head. Ano pa nga ba ang inaasahan niyang sasabihin nito sa kanya? Na sabihing mahal na mahal siya nito? "Fine. Let's end this relationship!" Tumalikod na siya. Umalis siya sa condo ni Froilan na wasak na wasak ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD