PUMATOK ang Destiny Perfume sa market. Nagkaroon ng malaking victory party sa magarang mansyon ng mga Fuentez. Masaya ang lahat sa tagumpay ng bagong produkto. Maluha-luha si Señora Candida habang pinagmamasdan ang mansyon na pamana nito sa yumaong nag-iisang anak na ina ni Duwayne. "Umiiyak ka na naman, senyora,” komento ni Aling Teresa habang inaakay ang matanda sa isang braso. "Naalala ko lang ang anak ko, Teresa." "Huwag ka nang malungkot. Kung nasaan man ngayon ang ina ni señorito Duwayne, sigurado akong tuwang-tuwa siya sa tagumpay ng kanyang anak," pagpapalubag loob ni Aling Teresa. "Señora, ang ganda ng mansyon na pag-aari ng apo mo, parang palasyo. Tapos, maraming bisita. Parang mas marami pa sa mga taong naninirahan sa ating probinsya." Napangiti naman ang matanda sa pagigin

