Tyra
Nakaka inis! Sa lahat ba naman ng pwedeng utusan ako pa!? Umiiwas nga ako kay Cassie tas meron ganito, dadalhan ko ng lunch si Cassie. Ugh. Wala na kong magagawa, naandito na ko sa tapat ng building niya. Kinuha ko na yung lunch box at lumabas ng kotse. Papasok na sana ako sa loob ng building niya ng pigilan ako ng guard, hindi lang yon. Lahat ng nasa ground floor pati na rin yun receptionist ay nakatingin saakin, bigla tuloy ako napangiti at napapatawa pero pinigilan ko syempre.
"Bawal po iyang suot niyo miss, pasensiya na po. " sabi nung guard.
"It's okay manong, kilala ako ng boss mo. " easy kong sabi at pumunta sa elevator. Not to be rude pero naka pambahay lang ako, tinulak ba naman ako papalabas ni mama ng nakapambahay pa. Hindi niya ata napansin dahil angal ako ng angal, ang masama pa nun linock niya yung pinto at lahat ng pwede kong pasukan. Oh diba, sinong hindi mag hihinala na kasabwat to ni Cassie.
"I'm sorry miss pero bawal po talaga, kami po mapapagalitan ni President. " yung receptionist na yung pumigil saakin.
"Kilala ako ng CEO niyo, siya nga mismo ang nagpapunta saakin dito at ginawa pa kong delivery girl. Paki sabi na lang na naandito ako, I'll wait. " sabi ko saka umupo sa upuan. Naka maluwag na t shirt, short shorts at slippers lang kasi ako. Buti na lang ay hindi ako naka sando.
"Sige po miss, ano po pala name niyo? " tanong nung babae habang nag hahanda ng phone call.
"Tyra, Tyra Tuaxon. " nagulat naman lahat yung naandun lalo na yung humila saakin kanina na babae.
"I'm sorry po mam Tuaxon sa paghila ng kamay niyo kanina. "
"It's okay, trabaho niyo lang iyon. " tumango siya at tumawag na. Maganda yung building ni Cassie halatang napa renovate na, kung natuloy yung re design. Wala na kong babaguhin dahil maganda naman na, iba talaga hatak ng apilyido nila at nagagawa ng pera. Ang bilis ma renovate e, kaya ganoon na lang din kabilis yung pinapagawa kong building dahil din kay dad.
"Mam Tuaxon, tumaas na daw po kayo sabi ni President. "
"Okay thanks. " tumayo na ko at dumiretso sa elevator papunta sa pinaka taas kung asaan yung office niya. Aaminin ko na kinakabahan ako, hindi dahil sa suot ko kung hindi sa muling pagkikita namin pagkatapos nung huling araw sa boracay.
FLASHBACK
Naglalakad ako sa tabi ng dagat, madilim na at wala na masyadong tao. Hating gabi na din kasi, yung iba natutulog at yung iba naman nasa bar. Nasa bar kami kanina nina Kuya, umalis na ko dahil landian lang naman sila ni Cassie at ako pa ang naging third wheel nila ah.
"Nakaka inis! " sabay sipa nung tubig.
"Poor water. " nagitla naman ako sa nagsalita at napatingin doon. Inirapan ko na lang siya at naglakad na ulit. Hindi ko na siya pinansin, na bibwiset lang ako lalo.
"Hey, relax. " anong relax!? Sa tingin ba niya makakapag relax ako ng naka yakap siya saakin!? hindi ako makagalaw, as in na estatwa ako dun. Yung mga kamay niya na naka pulupot sa bewang ko at yung chin naman ay nakapatong sa balikat ko. Yung heart beat king ang lakas, may kung ano kumikiliti saakin pero ako lang ba yung nakakaramdam nun? Nararamdam din ba niya?
"Close your eyes. " sabi nito sabay pina harap ako sakanya, she was holding my hands while smiling. Yung smile na yun, it reminds me of something at nakaka luwag ng pakiramdam. Hinawakan na niya yung pisngi ko na nakapag papikit saakin, i know she was trying to calm me down pero no one can do that to me. Siya pa lang. Binitawan na niya yung kamay ko at pinulupot sa leeg ko pero nanatiling nakapikit pa din ako. Aaminin ko nag eenjoy ako sa ginagawa niya, kahit ganito lang. Ang lakas ng epekto niya saakin.
"Feel. " sabi nito bago ko naramdaman yung mga labi niya na nasa labi ko na, nagulat ako kaya sinusubukan kong kumawala dahil mali to. Mali tong ginagawa niya, namin. Gusto ko oo pero mali pa din, boyfriend niya yung kuya ko, parehas kaming babae pero kahit ganoon yung nasa isip ko. Iba ang sinasabi ng katawan ko, hinalikan ko na din siya. Yung mga labi namin na parang nag sasayawan at napaka passionate. May pinaparating yung mga halik niya, may sinasabi. she ask for entrance kaya ako naman na may sariling isip yung katawan, i gladly open it.
FLASHBACK ENDS
Ting! fck sana lasing siya nun cause hindi ko alam anong mukhang ihaharap ko sakanya at kay kuya, bakit ko ba ginawa yun. Pagkabukas nung elevator, bumungad saakin yung secretary niya na nakangiti saakin.
"Hello mam Tuaxon, pumasok na daw po kayo sabi ni President. " tumango na lamang ako at nagpasalamat. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok at binuksan yung pinto niya. Lakas ng loob sapian mo ko. Nakita ko si Cassie na naka kunot ang noo habang may hawak na paper at ballpen. Binabasa niya ito ng maigi kaya napatawa ako ng mas lalong kumonot ang noo niya.
"Hey. " bati ni Cassie at binitawan ang hawak niya saka dumiretso saakin. Hinarang ko yung dala dala ko ng tangkain niyang humilik saakin, gusto ko sana matawa sa reaksiyon niya pero mas pinili kong pigilan at dumiretso sa sala niya. Malaki yung office niya, katulad lang din nung sa akin. Linabas ko yung mga padala ni mama na kanin, kare kare, beef at may dessert pa na leche flan.
"Eto na yung pinapadala ni mama, eatwell at aalis na ko. " aalis na dapat ako sa harapan niya ng hilahin niya ko pabalik at puna upo sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at sinampa yung isang binti niya sa binti ko. Aba ayus din to ah.
"Dito ka muna, subuan mo ko dahil marami pa kong ginagawa. " sabi nito at sakto namang kinuha niya yung mga paper sa table niya, pagkakataon ko na tong umalis. Dahan dahan akong pumunta sa pinto at bubuksan na sana ito nang may magsalita.
"Opps, what are doing? " pagkasabi niya iyon ay pinihit ko na yung door knob pero sa bilis ng reflexes niya ay nahila niya ko sabay tulak sa pinto at linock niya pagka sarado.
"Masakit yun! " sigaw ko dito, masakit kaya yun tas ang lapit pa niya. Jusko po! Ano nanaman bang ginawa kong kasalanan at mararanasan ko nanaman toh! Wait, hindi pwede. Hindi ko pwedeng maranasan ito ulit dahil mali. Onti onti na siyang lumalapit saakin, actually naka dikit na yung mga katawan namin at malapit na yung labi niya.
"Mas masakit nung hindi mo na ko matandaan. " bulong nito at sinunggaban na yung mga labi ko. Nakaka adik, nakaka lasing, parang drugs saakin yung mga labi ni Cassie simula nung hinalkan niya ko. Napaka tamis, mali man pero nalulunod na ko at nadadala sa bawat halik niya saakin kaya yinakap ko na yung leeg niya saka mas lalo pang diniin. She ask for entrance kaya buong puso ko itong binuksan, linilibot ng dila niya yung bibig ko. Naglakad kaming papuntang sala at umupo doon pero naka upo siya sa lap ko, yung kamay ko na nasa leeg niya ay ngayon ay nasa bewang na niya. Tangina, eto nanaman.
"Sweet, nawala yung gutom ko. " sa pagkaka pikit ng mata ko ay bigla akong natauhan kaya natulak ko siya paalis saakin, buti na lang ay ang landing niya ay sa malambot na upuan pa din.
"Walang hiya ka! Pumunta ako dito para ihatid yang lunch mo hindi sa halik mo! " natatawa naman siyang binuksan yung mga Tupperware saka binigay saakin yung spoon and fork. Tag isa kami at sumubo na siya.
"Sabayan mo ko. " tinitigan ko siya habang nakain, parang wala lang sakanya na halikan ako. Parang walang pandidiri at parang hindi ako yung kapatid ng boyfriend niya. Sa totoo lang, na enjoy ko yung halik niya. I mean gustong gusto ko, nakaka adik at may halong pangungulila yung mga halik niya. Sabik na sabik.
"Sabi ko sabayan mo ko, hindi titigan. " natatawang sabi nito at sinubuan ako. Nakakatuwang tignan at pakinggan. Wala na kong magawa kundi sabayan siya sa pagkain pero onti lang kinain ko kasi halata ko naman na sobrang na gutom siya kakatarbaho, namiss ko tuloy mag drawing at mag trabaho.
"Hmm sarap talaga ng dessert ni tita kahit kailan. " nagtataka akong tumingin sakanya habang ninanam nam yung leche flan, naka tikim na ba nun si Cassie. Baka dinadalhan ni kuya Tyrone si Cassie ng mga desserts ni mama.
"Say ahh. " sabi nito saakin kaya umiling ako.
"Pleaaaasseeee."
"Cassie, marami niyan sa bahay saka para sayo yan. " sabi ko habang nagliligpit na. Tumingin ako dito at napangiti. Sino ba namang hindi mapapangiti sa nakasimangot na Cassie Savedra, napaka ganda talaga. Hinila niya yung damit ko saka ako hinalkan ulit, nagulat man pero hindi ako nag protesta dahil gusto ko din naman kaya humalik na din ako. Magpapakipot pa ba ko kung gusto ko din naman, sorry na lang kuya Tyrone.
"Masarap diba? " hindi ko alam kung yung leche flan yung tinutukoy niya o yung mga halik niya kaya humirit ako ng isa pa ng maka subo siya ng leche flan.
"hmmm. " ungol naming dalwa ng malasahan namin yung leche flan.
Lecheng leche flan na to, pahamak at ginagawa pa kong makasalanan tsk tsk.
--