Chapter3

848 Words
Amethyst * Yakap yakap ang abo ni Nanay ay walang humpay ang aking pag luha.Napagdesisyunan ko kasing ipacremate na lamang ang abo ni Nanay nang sa gayon ay kahit wala na siya, ramdam ko pa ring hindi niya kami lubusang iniwan. “Ineng, sigurado ka bang ayos ka na rito? haru josko! asaan na ba iyang si Ayana? aba'y imbis damayan ka inuna pang sumama sa barkada.” Saad ni Aling Weng na tila ba'y problemado. “Ayos lang po ako Aling Weng.Wag n'yo po akong alalahanin.Maraming salamat po sa walang sawang pag tulong sa amin ha? kahit hindi ninyo kami ka ano-ano ay tinrato n'yo kaming parang kamag anak.Maraming salamat po.Alam kong pagod na rin kayo kayo dahil mag mula pa lang ng unang araw ng burol ni Nanay ay kayo na ang nag aasikaso.Mas mabuti pong mag pahinga na muna kayo.Alam kong kulang din kayo sa tulog.” Wika ko kay aling weng habang hawak ang kamay nito ng buong pasasalamat. “Hay sus, talaga itong batang to oh.Wala iyon anak.Matalik na kaibigan ko si helena.Para ko na rin kayong mga anak.Nakakalungkot lang na ni isang kamag anak ng nanay mo ay walang nakapunta.” Malungkot na saad ni Aling Weng.Bata pa lamang kami ni Aya ay panay tanong na namin kung nasaan ba ang pamilya ni nanay.Kung bakit ni isang kamag-anak ni nanay ay wala man lang pumupunta sa amin o bumibisita.Ang lagi naman sagot sa amin ni Nanay ay nasa malayong malayong lugar daw ang pamilya niya at hindi daw basta basta mapupuntahan dahil nga malayo.Inisip na lang namin ni Ayana na siguro taga mindanao si Nanay kaya nasabi niya na hindi basta basta napupuntahan ang lugar nila.Gayon pa man, hindi ko pa rin maiwasang di malungkot dahil hindi ko alam kung saan tatawagan ang mga kamag anak niya o kung may kapatid man lang ba siya na pwede kong makontak upang ipaalam ang pagkamatay ni niya.Kakaunti rin lang ang mga nag punta sa burol ni nanay dahil pag dating naman sa side ni tatay, ay hindi naman dumating ang mga ito kahit pa ipinaalam na ni Aling Weng sa kanila ang pag panaw ni Nanay.Kung sa bagay, hindi ko naman masisisi ang mga ito kung galit pa rin sila kay Nanay. “Oh siya iha, maiwan na muna kita.Kung may kailangan kayong mag kapatid ay puntahan mo lamang ako d'yan sa kabilang bakod.” Paalam ni Aling Weng. “Sige po maraming salamat po.” Nang maihatid ko na ito sa pintuan ay agad rin itong nag paalam at umalis.Muling naging tahimik ang paligid na siyang dahilan upang mapabuntong hininga ako. “Nasaan ka na ba aya?” Sambit ko habang tinatanaw ang madilim na paligid.Sa dalawang taon akong nawala dito ay malaki na rin ang pinagbago ng lugar na ito.Ang kalsada noon na puno ng putik sa tuwing uulan ay sementado na ngayon.Ang dating talahiban ay tinayuan na ng mga bahay.At itong bahay namin, naging bungalo style na.Dati itong kubo kubo lamang pero dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng komportableng matitirahan ang pamilya ko ay patuloy akong nag padala kay nanay.Kahit pa nagkaroon kami ng hindi pagkaka unuwaan ni nanay ay patuloy ang pagpapadala ko sa kanya ng pera sa bank account niya at masaya akong may napuntahan rin pala ang mga pinapadala kong pera sa kanya. Pasado alas onse na ng gabi nang maalimpungatan ako at magising dahil sa kakaibang ihip ng hangin .Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako dito sa lamesa at naiwan ko rin pa lang nakabukas ang bintana.Dali akong lumapit sa bintana upang isara na ito ngunit agad naagaw ang aking pansin ng ilog sa bandang baba malapit sa puno ng balete.Madalas kaming maligo doon nila Inay, Itay, at Ayana noong araw.Lagi ngang nanghuhuli ng mga hipon at alimango ang tatay at diretso na itong lulutuin ni nanay para sa tanghalian habang kami naman itong panay tampisaw lamang ni Ayana sa ilog. Habang inaalala ang masasayang nakaraan ay hindi ko nga napansin na nakangiti na pala ako.Agad kong isinarado ang bintana at daling tumingin sa orasan.Pasado alas onse na pero hanggang ngayon ay wala pa din si Aya.Agad akong nag tungo sa kwarto para kunin at isuot ang aking cardigan.Dali kong inilock ang pinto at may pag mamadaling lumabas ng gate.Balak ko kasing sunduin na lang si Aya ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay natigilan ako at hindi ko maiwasan tumitig muli sa madilim na parte ng ilog kung saan naroroon ang malaking puno ng balete.Hindi ko maiintidihan ngunit tila may nag uudyok sa akin na pumaroon.Unti unti akong humakbang pababa at ang tunog ng agos ng ilog ay unti unti ko na ring naririnig.Nang marating ko ang ilog ay labis akong napangiti. “I miss this place.” Bulong ko ngunit binalot ng kilabot ang aking buong sistema nang mag umpisang umihip ang malamig na hangin.Halos manlambot ang aking tuhod nang magawi ang aking paningin sa puno ng saniata kung saan tila may isang lalaking nakaupo sa taas ng sanga habang kumakain ng prutas na saniata na kung tawagin sa salitang ingles ay dragon fruit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD