"Malayo pa ba?" Hindi mapakaling tanong ko. Naubos ko na ata yung kuko ko kakangatngat pero wala pa rin kami dun. Nagtext si tito jack sabi niya malapit na raw sila. "Malapit na , chill ka lang" Pano ako magchichill?! Halos sumabog na nga ang dibdib ko sa kaba dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari kay jacob. Biglang nagring ang phone ko , unknown number nanaman. Sino naman kaya to? "Hello?" [ Ms. Larsson si Mrs. Talon ito , nabalitaan ko sa asawa ko na may kakaibang kinikilos daw ang principal sa shinzui at ibang staffs dito dahil nagsipag alisan sila. May alam ka ba sa nangyayari? ] "Makikipagkita si Jacob sa black organization" [ anoo?!! ] "Alam niya na kung sino ang pumatay sa kapatid niya" [ nasan kayo at pupuntahan ko kayo?! ] " isesend ko sayo ang lugar" Tama ang h

