Hindi ko alam kung bakit ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa Hospital. May mali ba sa suot ko? Napatingin ako sa damit ko. I'm wearing a light denim jacket paired with a polka dot halter top , black skater skirt and nude strappy wedges. Wala bang ganito sa probinsya? Hindi ba nila alam ang fashion? My goodness ! Okay dont mind them MD , just keep calm and be fab ! Taas noo akong naglakad habang bitbit bitbit ang bulaklak na binigay ni henry.
Pagkauwi ko galing school ay nag impake ako ng gamit at nagpalit ng damit tapos pagdating ko dito nagcheck in ako sa hotel then diretso dito. Nabalitaan ko ring gising na si Jacob kaya lalo akong nagpaganda. Bumili rin akong fruits. Hay grabe napaka thoughtful ko talagang tao. #TurnOnBabaengThoughtful , na saakin na ang lahat sabi nga ni DJ.
Kumatok ako at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si Jacob na nakaupo tapos si Mr. Jack naman ay busy sa cellphone pero nung naramdaman niya ang presensya ko ay tumingin siya sakin at ngumiti.
"Goodevening po"
"Tamang tama MD. Naghahanap ako ng magbabantay kay Jacob dahil may emergency sa hospital. Mamaya pa kasi darating sila manang."
"Jack"
Di makapaniwalang sabi ni Jacob
"Okay po "
Masigla kong sabi at sinamaan naman ako ng tingin ni Jacob pero kinindatan ko lang siya.
"Salamat hija ha"
Nginitian ko siya bilang tugon.Kinuha ni Mr Jack ang coat niya at nagmamadaling lumabas.
Paglapit ko sa kanya ay agad kong pinitik ang noo niya.
"Ouch! What was that for?!"
"Whats was that for?!"
I mocked him.
"What the hell is your problem lunatic?"
"Matuto ka ngang gumalang ! Pag may kailangan ka tinatawag mo siyang tito jack pag wala jack lang. Kapal mo rin!"
"I wrote the word 'tito' para malaman mo agad na kamag anak ko siya at madali mo siyang mahanap tss."
Kinuha niya yung libro sa tabi niya at binasa ito. Aba bastos to ah ! Tsk. Nabugbog na't lahat masungit parin. Lumapit ako sa kanya at hinablot ang libro sabay tapon nito sa sofa.
"Hey! What the !"
Sinupalpal ko sa mukha niya yung bulaklak.
"Ano to?"
"Bulaklak! Duh?!"
Nilapag ko yung prutas na dala ko.
"Anyway , buti magaling kana. Teka may sarili pala kayong hospital bakit di ka nalang dun nagpaconfine"
Sabi ko habang busy sa pag aayos ng prutas dapat fabulous din ang ayos ng prutas just like me !
"Ayoko"
"Bakit?"
"Stop being nosy okay?"
Napairap naman ako at humarap sa kanya. Napangiti ako ng makitang tinititigan niya yung bulaklak na bigay ko. OMG natouch kaya siya? Nagandahan? Infairness sa sense of flower ni henry. SENSE OF FLOWER? Hanuudaw ?! Lol.
"This is not mine"
Napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Ha? Binigay ko sayo . Edi sayo na yan"
Binalik niya sakin yung bulaklak pero binalik ko rin sa kanya.
"I said its not mine"
Binalik niya sakin.
"Ano bang sinasabi mo?! Binigay ko nga sayo diba. Be thankful nalang!"
Binalik ko sa kanya.
"The card says 'To : Mayday Larsson . From : Henry C.
I hope you like it' "
Nanlaki ang mata ko at hinablot sa kanya yung bulaklak sabay basa nung nasa card.
Oh sh*t holy cow ! May pangalan ko nga. Napakagat ako sa labi ko at nginitian siya.
"Dont ever give me flowers or anything that was given by your damn boys!!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya napaatras ako. Kinuha niya yung libro at muli itong binasa.
Napayuko ako at tinignan yung bulaklak. Sana pala bumili nalang ako , ang yaman yaman ko naman tsk. Tinapon ko sa basurahan yung bulaklak. Pahamak na card yan ! Bat di ko ba yan napansin kanina tsk. Tinignan ko si Jacob na nagbabasa parin.
Okay kaya ko to ! Aja ! Fighting.
Umupo ako sa silya na nasa tabi ng kama niya.
"Jacob--"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nilapag niya ang libro na binabasa niya at humiga na nakatalikod sakin.
Sabi ko nga matutulog siya.
✖✖
Ngayon ang labas ni Jacob sa Hospital dahil okay na raw siya sabi niya. Pinipilit niya ng makalabas kaya wala naman silang nagawa. Actually balak kong maagang pumunta roon at dun na almusal para sabay kami. Kaso nalate ako ng gising kaya ngayong lunch nalang.
"Mayday !!"
Masayang sabi ni manang ng makita niya ako.
"Hello po"
Niyakap niya ako at agad ding bumitaw.
"Masaya ako at nandito ka ulit. Binibisita mo ba si Jacob?"
"Opo"
"Hay nako . Nagbago ang ugali ng batang yun. Napaka sungit na"
Ay akala ko inborn na yung pagiging masungit niya.
"Lagi niyang sinisigawan yung bagong katulong. Hindi ko ba alam. Naging magagalitin siya"
Ay di po ba kayo aware? Galit po sa mundo yun.
"hindi kita tinatakot hija ah? Sa totoo nga eh nag aalala ako para sa kanya. Baka natrauma siya sa nangyari o ano. Pero baka sayo hija hindi ganun ang pakikitungo niya dahil kaibigan ka niya"
Bigla naman akong nalungkot. Hindi ko nga alam kung magkaibigan kami eh. Napansin ko yung inaayos na pagkain ni manang.
"Para po kanino yan?"
"Ah kay jacob , hirap pa kasi siyang makababa"
"Ako na po ang magdadala!"
"Sigurado ka? Siguraduhin mong kakain kasi iinom siya ng gamot"
"Opo"
Nakangiti akong tumango.
"Osige. Pangatlo sa kaliwa ang kwarto niya"
"Okay po"
Dinala ko ang tray at umakyat. Pagdating ko sa kwarto ni jacob ay kumatok ako pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. Medyo madili kasi patay ang ilaw at nakasara ang bintana. Lumapit ako sa kanya. Mukhang natutulog siya at nakatalukbong pa ang buong katawan niya. Nilapag ko sa gilid ang tray.
"Jacob gising na"
"Jacob"
Kinalabit ko siya. Medyo gumalaw.
"Jacob lunch na!"
Inalog ko na siya.
"I dont want to eat. "
"Jacob di pwede iinom ka ng gamot. Sige na bumangon kana"
Binaba ko yung kumot.
"I said I dont want to eat ! Im sleeping."
Sigaw niya at bigla niyang nasagi yung tray nalaglag ito sa sahig. Halos tumalon yung puso ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Napakunot ang noo niya nang nakita ako. Napatingin ako sa bubog na nagkalat. Hala , baka mabubog siya kapag tumayo siya. Agad kong dinampot ang mga bubog.
"Hey. What do you think youre doing? Are you stupid?---"
"Ahh!"
Nabitawan ko yung bubog ng masugatan ako nito. Nagsimula ng tumulo ang dugo sa kamay ko.
"Tsssk"
Napayuko lang ako. Bakit parang wala siyang pake? Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Sir. Jack at manang.
"Anong nangyari?!"
Nag aalalang tanong ni Sir.Jack napatingin ako sa kanya at napatingin din siya sakin.
"MD !"
"Ay juiceko po ! Mayday Hija!"
Lumapit sakin si Sir Jack at tinayo ako.
"Are you okay?"
Tumango ako at yumuko
"Manang pakibaba si MD at pakigamot po"
"Sige"
Inalalayan ako ni manang pababa.
Jacob's POV
Nakakainis . Ang tanga niya alam niyang bubog yun bakit niya dadamputin? Ngayon mukhang sesermunan nanaman ako ng matandang to.
"Noong una pinagbibigyan pa kita jacob ah. But today you've just crossed the line. For pete's sake she's your friend !"
"She was never my friend"
Giit ko , mukha namang nagulat siya sa sinabi ko pero pinanatili niya ang kalmadong postura.
"Pero kaibigan ang turing niya sayo"
"So? That's not my problem anymore"
Hindi makapaniwala akong tinignan ni Jack. I stopped calling him tito simula ng lumayas ako dito.
"What happened to you? Naiintindihan ko pa yung galit mo sakin pero ang idamay sila? *iling* "
Huminga siya ng malalim.
"You're lucky to have MD. Sana magsorry ka sa kanya kasi nung mga panahong nasa panganib ka siya ang nagsabi sakin at nagstay siya rito para makibalita. Sumama rin siya sa pagliligtas sayo well infact niligtas ka niya kahit sinabi kong magstay lang sa labas pumasok parin siya sa loob. Sana tratuhin mo ng tama yung mga taong nag aalala sayo , kahit wag na ako"
At tuluyan na siyang lumabas.
----------------