"Why do you have to call him?"
Bungad ni Jacob pagpasok namin ng condo.
"Kailangan ko ng tulong?"
Sabi ko habang binababa yung bag ko at tinanggal ang sapatos ko. Sumalampak ako sa sofa. Hay grabe napagod ako ng super !
"Bakit siya pa?"
Napatingin ako kay Jacob na nasa kusina at may hawak ng baso.
"What do you mean na bakit siya pa? May mali ba kay Henry?"
Uminom siya saglit at tinignan ako ng seryoso. Well medyo mukhang maluwag ang turnilyo niya sa utak pero mapagttyatyagaan naman kumpara naman kay Rosgan na never ko pa atang nakitang normal.
"Tinatanong mo ba talaga sakin yan?"
Ano bang pinupunto nitong si Jacob kanina pa siya masungit at nakasimangot. Para siyang math , ang hirap niyang magets.
"I dont get you"
Tinalikuran ko siya at muling umupo ng maayos.
"Ikaw mismo ang nagsabi na mahirap magtiwala sa sitwasyon natin. Ang sakin lang , isipin mo muna maigi kung dapat mong pagkatiwalaan ang taong yun para hindi ka magsisi sa huli"
Napatigil ako sa sinabi ni Jacob.
Mapagkakatiwalaan ko nga ba talaga si Henry?
✖✖
"MD ilaaag !!"
Dahan dahan akong napatingin kay Rosgan na sumigaw. Pero napatigil ako ng maramdamang may tumamang bola sakin kaya tinignan ko kung sino yung nagbato.
"Out ka na"
Nakasmirk na sabi ni Mille. Walang emosyon akong naglakad paalis. Whatever , hindi ko rin naman gustong magtagal sa larong yun no . Kanina pa nga ako nakatayo lang at di uniiwas eh . PE time namin ngayon at naglalaro kami ng batuhang bola . Wala ako sa mood maglaro dahil iniisip ko yung sinabi ni Jacob kagabi.
"Ano ba yaaan ! Bakit binato niyo si Mayday !! Humanda kayo sakin!!"
rinig kong sigaw ni rosgan more like nagwawala . Napahinga ako ng malalim , wala nanaman siya sa katinuan. Napatingin naman ako kay Jacob na seryosong nakatingin sakin. Agad akong nag iwas ng tingin at naglakad. Naalala ko yung sinabi niya kagabi.
"Ang sakin lang , isipin mo muna maigi kung dapat mong pagkatiwalaan ang taong yun para hindi ka magsisi sa huli"
Mamaya na kami magkikita ni Henry para pag usapan kung pano makukuha yung Teddy Bear ko. Hindi ko na alam , hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Kailan lang kami nagkakilala ni Henry kahit matagal na pala kaming schoolmate. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig.
Napatingin ako sa babaeng tumabi sakin.
"Ms. President"
halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Wow first time yan ah"
Sarcastic niyang sabi at tumingin sa mga kaklase kong naglalaro. I dont know her name kasi , Ms. President lang natatandaan ko amp.
"So how do you find my cousin?"
Napakunot noo ako sa sinabi niya at tinignan siya pero nakatingin parin siya sa mga kaklase ko.
"Hindi siya normal"
Ngumiti siya.
"As expected"
Then lumingon siya sakin.
"Eh how about Jacob Louis? What do you think about him?"
Napatitig ako sa kanya. Ano bang trip ng babaeng to? Ano bang masasabi ko kay jacob? Hmmm , masungit siya , napaka pogi niya , masungit siya ,pogi siya , masungit siya , masungit , masungit , masungit....
"He's a friend"
Diretso kong sagot at nag iwas ng tingin.
"He doesnt look like a friendly person"
Grabe naman to kay jacob napaka judgemental psssh ! Mga ganitong tao dapat tinutumba eh !
" I know"
Parehas kaming napangiti. Lol , di ko binaback stab si jacob ah ! Infact nakaharap siya samin habang naglalaro tsaka sinasabi ko lang yung totoo , ang sungit sungit nun eh ! Kaso tao rin naman siya , nagkakaroon ng kaibigan. Ang swerte swerte niya nga sakin eh , ganda ganda ganda ganda -- opps nasobrahan sa ganda , Ganda ko.
"Eh how about kuya Sceven?"
Nanlaki ang mata ko at tinignan siya , nakangiti lang siya sakin at nag aantay ng sagot ko.
"What do you mean how about sceven? Anong malay ko sa kanya?"
"You've been gathering information about him lately."
"I was just curious"
Malamig kong sabi at tinignan siya ng diretso. Di ko alam pero nakakairita yung ngiti niya na para bang nang aasar na sarcastic na ewan. Geez. Witch.
"Bakit ka naman macucurious sa taong matagal ng wala dito"
Bumalik ang dati niyang expression na mataray at muling tumingin sa field. Oh thank goodness , parang tatayo balahibo ko sa ngiti niya. Creepy.
"Masyado ka naman atang nacucurious sakin Ms. President. "
"Just stop whatever youre planning. Wala kang mapapala sa paghahanap mo ng impormasyon kay Kuya Sceven , ipapahamak ka lang niyan."
Naramdaman kong tumayo siya.
Tinignan ko siya habang naglalakad siya paalis.
Anong alam mo Ms. President? Sino ka ba talaga?
✖✖
"MAYDAAAAAAY !!"
Mariin akong napapikit ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Rosgan. Sinara ko ang locker ko at naglakad.
"Maaydaay!"
Kumapit siya sa braso ko , napatigil ako sa ginawa niya at tinaggal ko ang pagkakapit niya saakin.
"Sabihin mong hindi totoo---"
"Hindi totoo"
bored kong sabi.
"Ehhh ! Seryoso ako ! Sabihin mong hindi totoo-"
"Hindi nga totoo!"
Ano bang gusto ng mukhang kuko na to , sinasabi ko na nga na hindi totoo dahil sabi niya , para tigilan na niya ako.
"Patapusin mo kasi ako !"
Hindi ako nagsalita , nakakahiya tong lalaking to , napakaingay. Pinagtitinginan na kami sa buong hallway.
"Diba hindi naman totoo na nagdadate kayo ni Jacob?! Diba? Diba?!"
Inalog alog niya ako.
"Hindi naman totoo na kayo yung nakitang magkasama kahapon ! Dibaa?!"
Inalog alog niya ulit ako , pati ata utak ko naalog na . Pinigilan ko siya sa pag alog sakin.
"Totoo."
Para siyang nanlumo sa sinabi ko , dahan dahan niya akong binitawan at napaatras ng onti. anong arte to?
"K-kayo na?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at binatukan.
"Babo!" ( stupid )
"Anong pabo?! Hindi ako hayop"
Mukha lang hayop pssh.
"Totoong magkasama kami kahapon dahil may pinuntahan kami pero di kami nagdadate. Pssh!"
Biglang nagliwanag ang mukha niya at niyakap ako. Nakakairita talaga tong kumag na to. Napaka feeling close , pilit ko siyang tinulak palayo.
"Masaya ka na niyan?"
Nakangiti siyang tumango sakin. Inayos ko ang damit ko at tinalikuran siya.
"Byee Maydaaay !! Ingat !"
pinagpatuloy ko ang paglalakad ng hindi siya nililingon. Napaka ingay niya talaga.
Habang naglalakad nakita ko si Jacob palabas na ng school kaya agad ko siyang hinabol at ng maabutan ko na siya ay hinawakan ko ang braso niya. Walang emosyon siyang tumingin sakin samantalang pinunasan ko naman ang pawis ko gamit ang isang kamay ko. Napaka bilis niya maglakad.
" sabihin mo itutuloy ko ba o hindi , itutuloy ko ba o hindi."
Napakunot ang kanyang noo , na para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko. Napayuko ako at napapikit.
"Hindi ko alam ang gagawin ko ,please sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin"
Nagtitiwala ako kay Jacob , at this moment hindi ko magawang makapag decide. Pakiramdam ko kung ano man ang sabihin ni Jacob ay tama at yun ang gagawin ko.
"Go meet him"
Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Tumango ako at dahan dahan siyang binitawan. Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.
I am going to meet Henry.
--------