Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Inaantok kong dinilat ang mga mata ko. Anong oras na ba? 4am?! Eh bakit parang ang ingay na sa labas? Nang maging malinaw ang mga mata ko ay agad akong napaupo. Oh.my.gosh. nasan ako?! This isnt my room. Napahampas ako sa noo ko ng maalalang nandito pala ako sa bahay ng tito ni Jacob. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag mouthwash. Paglabas ko ng kwarto ay nagbigla ako ng makitang maraming tao. May mga pulis yung isa naka formal attire , may parang bodyguard. Lahat sila busy pati sila mang ernest.
"Gising kana pala"
Napatingin ako kay manang na nasa tabi ko na pala.
"Magandang umaga po. Ano pong nangyayari?"
"Pupuntahan nila si Sir Jacob ngayon"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nahanap na nila si Jacob?
"Let's go now. I dont want to waste time"
Naglabasan yung mga pulis , tumakbo naman ako papunta kay Mr. Jack at hinawakan ang braso niya.
"Oh Ms. Larsson gising ka na pala"
Nakangiting sabi niya.
"Gusto ko pong sumama"
Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang balikat ko.
"Hija. Delikado , hindi biro ang mga dumukot kay Jacob."
"I dont care ! I want to see him please"
Nagmamakaawa kong sabi.
"Sir tara na po"
Sabi nung nakaformal na attire. Binitawan ako ni Mr. Jack at tumalikod pero pumunta ako sa harap niya para harangan siya.
"Please , Im begging you"
Tinignan niya ako na parang isang nakakaawang bata. Huminga siya ng malalim.
"Ok , you can go with us but you'll stay in the car"
"Thankyou sir"
Mabilis kaming naglakad patungo sa kotse at sumakay. Mabilis ang pagpapatakbo ng kotse samantalang si Mr. Jack busy sa kausap niya sa cellphone. Pumikit ako at huminga ng malalim. Sana okay lang si Jacob. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nag aalala ng ganito. Napahawak ako sa bandang puso ko na parang naninikip. Damn bakit parang ang sakit. Sumandal ako.
"Are you okay?"
Napadilat ako ng kausapin ako ni Mr. Jack. Tumango ako bilang tugon at tumingin na lamang sa labas.
Hold on Jacob , we're going to save you.
Tumigil kami sa isang abandonadong building. Pansin ko lang ah , kapag may kinikidnap laging sa mga abandunadong lugar. Pero infairness ah , napaka tago ng building na to tsaka talagang luma na. Sumugod ang mga pulis sa loob.
"Stay here. Hindi safe sa loob. Antayin mo nalang kami. Bantayan mo siya"
"Yes sir"
Wala naman akong magawa kundi sundin yung sinabi ni Mr. Jack lalo na't may nagbabantay sakin.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero di parin sila nalabas. May mga naririnig din akong mga putok ng baril na mas nagpakaba sakin nung una nagulat pa ako pero nasanay na lang ako pero di parin syempre nawawala ang kaba kaya ipinagdarasal ko na lang na sana maligtas nila si Jacob. Mariin na magkadikit ang mga kamay ko.
Please save jacob
Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko nanginginig na rin ako. Bakit ang tagal nila.
Biglang tumunog yung walkie talkie ng katabi kong bodyguard.
[ nahanap na namin siya. Nandito sa 12th floor . We need back up. ]
Nanlaki ang mata ko at tinignan ang katabi ko.
NAHANAP NA NILA SI JACOB!
Agad akong tumakbo papasok.
"Mam !"
Hinabol naman ako nung bodyguard. Binilisan ko ang pagtakbo patungong 12th floor. Pagdating ng 10th floor sobrang tagaktak na yung pawis ko at nananakit na ang mga hita ko , hingal na hingal na rin ako , pero di ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Nang makarating ako sa 12th floor mabilis kong nakita ang iilang pulis kaya nagtungo ako dun.
"Excuse me po ! Excuse!"
Pinagsiksikan ko ang sarili ko para makapasok sa loob kasi kagit onti lang sila nakaharang sila sa pinto kaya kailangan ko silang ipagtulakan.
"Miss di ka pwede dito"
Pero hindi ko siya pinasin at pinilit paring pumasok. Pagpasok ko sa loob halos nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanginginig na tinakpan ang bibig ko. Tinatayo ng isang pulis si Jacob na duguan at halos bugbog sarado. Wala rin itong malay. Yung mukha niya may sugat at puro dugo.
Oh my gosh jacoob.
Halos tumigil yung t***k ng puso ko .
"Mam!"
Napatalon ako sa gulat ng may magpaputok ng baril.
"JACOOB!!"
Agad akong tumakbo papunta kay Jacob para masalo siya kasi binaril sa likod yung umaalalay sa kanya , buhay pa pala yung isa sa mga kidnapper pero nung pagkabaril niya sa may hawak kay jacob ay binaril din siya ng mga pulis.
Nakahinga ako ng maluwag ng masalo ko si Jacob. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Yakap yakap ko ngayon ang duguang walang malay na si Jacob at mas lalo kong nakita ng malapitan ang mukha niyang puno ng dugo. Nanginginig ko tong pinunasan gamit ang kamay ko.
"ANO PANG GINAGAWA NIYO DYAN! TULUNGAN NIYO AKO!"
Sigaw ko sa mga nakatangang pulis. Nagsitakbuhan sila papalapit samin at binuhat si Jacob pati yung nabaril na lalaki.
Paglabas namin ay nasalubong namin si Sir. Jack.
"JACOB?!"
gulat siyang lumapit kay jacob at halos hindi makapaniwala sa nakikita nito. Napansin ko ring naluluha na siya. Pero wala siyang ibang nagawa kundi tignan lang si jacob . Pinasok na siya sa loob ng ambulansya at sumama naman si Sir. Jack .
Sa pangalawang pagkakataon nakaramdam ako ng p*******t ng dibdib ko at medyo na out of balance ako. Buti nalang agad akong naalalayan nung bodyguard kanina.
"Okay ka lang po mam?"
Nanghihina akong tumango
"S-sundan natin s-sila please"
"Yes mam"
Inalalayan niya ako papasok ng kotse at nagdrive na. Sumandal ako at pumikit. Iniinda ang paninikip ng puso at p*******t ng mga hita ko. Puro dugo na rin ang damit ko dahil sa pagyakap ko kay Jacob kanina.
Naghum ako ng Amazing grace para mapakalma ang sarili ko. Ito yung kantang kinakanta sakin ni mommy dati para mapatulog ako.
"Mam nandito na po tayo"
Tumingin ako sa labas at bumaba. Pumasok kami sa loob ng hospital.
"Nasa ER po sila ngayon mam"
Nagpunta kami sa ER at dun ko nakita si Mr. Jack na nakaupo at nakayuko. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya.
"Is he alright?"
Napaangat siya ng ulo at tinignan ako. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya na naluluha. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya at mukha siyang walang tulog. Siguro napuyat siya kaka track kay Jacob.
"Hindi pa lumalabas ang doctor"
Tumango ako at tumingin sa pinto ng ER.
Jacob is a tough guy , he'll survive
Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Biglang nagring ang phone ko. Kinapa ko ang bulsa at nakapa ko yung phone ko na nagvivibrate. Nadala ko pala to. Sinagot ko ang tawag ng hindi ito tinitignan.
"Hello?"
[ FINALLY ! SINAGOT MO RIN MS MD! ]
Nilayo ko yung phone sa lakas ng boses ni Krissy.
"What do you want krissy?"
Malamya kong tanong.
[ what do you want? Alam mo bang halos ipahalughog na namin ang buong laguna para mahanap ka? Where on earth are you?! Sobrang kinakabahan na yung mga katulong niyo kasi baka pagalitan sila ng lolo mo! ]
"Stop nagging krissy. Youre talking to me in an informal way. I dont like it. Anyway , tell them to stop worrying Im fine. May inaasikaso lang ako"
Walang gana kong sagot
[ I'm sorry Ms MD nag aalala lang talaga kami. Is there any chance na magkasama kayo ni Jacob ngayon? Kayo lang ang absent sa klase ]
Natigilan ako sa sinabi niya at naalala ko ang itsura ni Jacob kanina. Magsasalita na sana ako ng biglang lumabas ang doctor.
"I need to go now krissy. Ill call you later"
Agad kong binaba ang tawag at lumapit sa doctor.
"Doc how is he?"
Nag aalalang tanong ni Mr. Jack.
"Stable na siya , he's lucky kasi kinaya ng katawan niya ang bugbog na natamo niya. Kailangan niyang magpahinga ng dalawang araw kasi matinding bugbog ang tinamo niya. Ililipat na po siya sa kwarto doon niyo nalang po siya puntahan. "
Nakahinga ako ng maluwag ng malamang stable na siya. Para akong nabunutan ng tinik. Kinuha ni Mr. Jack ang phone niya at umalis.
Nang mailipat na si Jacob ay agad kaming nagtungo sa kwartong iyon . Pumunta rin sa hospital sila Mang Ernest at Manang. Kasalukuyang nasa loob sila ngayon ako naman nag paiwan dito sa labas. Moment nilang pamilya yun ayokong makisawsaw.
Maya maya ay napatayo ako ng makitang nagsisipaglabasan sila. Pati si mr jack lumabas din na ipinagtaka ko.
"sige na pumasok ka na ms larsson. Dito lang kami sa labas"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Naku hindi niyo naman po kailangang lumabas lahat."
"Okay lang hija sige na"
Tumango ako
"Salamat po"
At tuluyan ng pumasok sa loob. Pagpasok ko ay umupo ako sa tabi ng kamang hinihigaan ni Jacob. Kung titignan mo siya parang napaka peaceful ng pagtulog niya. Ang sarap niyang panoorin matulog. May mga benda siya katawan at band aid sa mukha. Buti nalang di masyadong nabugbog yung mukha niya onting sugat lang tsaka yung labi niya may parang hiwa na maliit. Hinawakan ko yung kamay niya at nilagay ito sa pisngi ko. Napapikit ako at dinama ang kamay niya na nasa pisngi ko.
I knew that you'll survive Jacob , thank you for coming back alive.
------------