Iba talaga ang pakiramdam ko kay Mam Sofia , feeling ko talaga konektado siya sa mga nangyayari eh. Pero pano ko patutunayan kay Jacob? Eh parang sobrang tiwala siya sa babaeng yun . "Aisssh !" Inis akong napahampas sa kama. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Kaya mo to Mayday , Aja ! Fighting ! Taas noo akong tumayo at sinilip si Jacob na nakaupo sa sala habang busy sa paglalaptop. Tinabihan ko siya at napatingin siya sakin saglit at muling nagbrowse sa laptop niya. "Bat gising ka pa?" Sabi niya ng hindi ako tinitignan. Ano sasabihin ko na ba? Sa opinyon ko lang naman to. Pakiramdam ko kasi delikado si Ms. Sofia at gusto ko siyang ilayo kay Jacob. Sasabihin ko na rin yung nangyari kanina. Tama ! Fighting mayday ! "Jaco-----" Tatawagin ko sana siya nang bigla namang magrin

