Lumipas ang mga araw ay madalas na ang pagkikita nina Darius at Martina. Ayaw naman sana ni Darius na muling maulit pa ang nangyari sa kanila ng kanyang dating kasintahan ngunit ito talaga ang lumalapit at nagpupumilit na angkinin niya ito kahit pa sabihing hindi na niya ito minahal. Ang bakanteng s3x life nila ng kanyang asawang si Leah ay parang pinunan iyon ni Martina. Ito ang pinarausan niya sa kama dahil wala na silang body contact ng Asawa. Hangga't isang Umaga ay kaaalis lang ni Darius. At sabi naman nito na may aasikasuhin na naman ito sa hotel nito. Kinabahan na si Leah dahil napapansin na niya ang asawa na kung pupunta ito ng sariling hotel ay madaling araw na ito nakakauwi. At mas lalo pa itong nagduda nang maabutan niya ito Isang beses na may kausap na tinig ng babae sa cellp

