Kinahapunan ay nasa balkonahe si Sarah. Wala pa sina Darius at Rosalia dahil umalis na naman ito, mukhang busy ang mga ito. Napabuntong-hininga si Sarah. Talagang masaya na si Sir Darius sa pakikipag relasyon kay Ma'am Rosalia. Dahil nagdala siya ng notebook at ballpen ay nagsulat siya ng short message na tulang pamamaalam para kay Darius. Heto ang kanyang naisulat: "Oh, aking irog, kung pag-ibig niya'y iyong ibig, Papalayain kita sa puso na walang ligalig. Kahit pag-ibig mo'y aking buhay, Ako'y bibitaw ng walang humpay. Hangad ko'y kaligayahan mong tunay, Kung siya man ang iyong buhay. Babaguhin ko ang takbo ng aking buhay, Upang ika'y kalimutan sa panghabang-buhay. Kahit sa likod ng ngiti’y may luha, Sa bawat pagsasakripisyo’y may dusa. Ngunit ako'y magpatuloy sa laban ng

