Mabilis lumipas ang mga araw. Nailibing na si Leah at ngayon naman ay nag-iimpake na si Sarah upang aalis na siya sa mansion ng mga Enriquez. Umaga iyon at naroon lang si Darius. Napansin nilang hindi pa lumabas si Sarah ng umagang iyon mula sa kuwarto nito. Nasa 8:00 am na lang ay hindi pa nakalabas si Sarah. Hinintay kasi ni Darius na makalabas na ito dahil gusto niyang makipag-usap kay Sarah. Araw ng linggo ngayon kaya nasa mansion lang si Darius. At ikalawang araw pa mula nang mailibing si Leah. Mula ng binurol ang ate nito ay hindi na kasi ito pumasok at tinawagan na daw ito ng professor nito. Nagalit si Darius nang malaman mula kay Nanay Perla na hindi na ito papasok at titigil na raw ito sa pag-aaral. Inis na napatingin si Darius sa kanyang relong pambisig at mag alas otso nalang

