Lumipas ang dalawang linggo ay naihanda na ang kasal nina Darius at Sarah at sa mismong hotel ni Darius ihe-held na naman ang special at engrandeng wedding nila. Kompleto na ang lahat, at sa araw na iyon ang mismong kasal nina Darius at Sarah. Kinabahan naman si Sarah dahil iyon na ang pagtupad niya sa kanyang paghihiganti kay Darius. Masakit man ang lahat sa kanya sa gagawin niyang ito ay nakapagdesisyon na talaga siya at iisang desisyon na ang kanyang susundin, iyon ay ang mas pipiliin niya ang paghihiganti para sa kanyang nag suicide na Kapatid. Isasakripisyo niya ang tunay na kaligayahan at pagmamahal niya sa isang lalaki na asawa ng pumanaw niyang kapatid. Dahil masakit naman talaga sa mata ng tao na siya ang magiging pangalawang asawa ni Darius Enriquez. Bahala na't nakuha na siya

