Kinabukasan ay maagang nauwi si Sarah sa mansion. Pagpasok niya sa mansion ay dumeretso na siya sa Servants quarter. Parang hindi pa nagising ang mga amo nila, at ang mga katulong pa ang nagising dahil maagang-maaga pa iyon. Alam niya mula kay Nanay Perla kagabi na nauwi na ang mga ito mula sa Spain. Nasa kusina na ang kusinerang si Sally at ang ibang mga katulong ay naglilinis na ng buong mansion. Nasalubong naman niya si Nanay Perla nang papunta diya sa kanyang kuwarto. "Good morning po, Nanay Perla." Bati agad ni Sarah rito. "Good morning iha Sarah. Mabuti at maaga kapang nauwi." Sabi din nito sa kanya. " Opo, nanay Perla. Sandali po, maliligo lang po ako para makapagbihis. Ang lagkit ko na po eh, hindi kasi nakauwi kagabi dahil sa lakas ng ulan." Aniya rito. "Oh Sige, Sarah." Tu

