Chapter 9 Meeting *** Maaga ako ngayon at papunta kami ni Red sa Studio. May biglaang meeting daw, hindi ko alam kong bakit sila nagpatawag. "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Red di ako sumagot nginitian ko na lang siya. Hinawakan niya naman ang kamay ko, sa twing' hinahawakan niya yung kamay ko parang ang sarap sa pakiramdam. Pagkadating namin sa basement park bababa na sana ako ng halikan ako ni Red ng panandalian. "Tawagan mo ako pag kailangan mo ako." nginitian ko siya at yinakap ko saka ako bumaba. Hindi ko alam dahil may halong kaba ang pakiramdam ko. Dumating ako sa conference room andon na lahat. "Alam mo na ba?" tanong sa akin ni Marcus. "She's back." di na ako nagulat dahil kahapon ko pa alam. Ngumisi ako at handa na akong makita nila yung bagong Ako. Hinding hindi na ako ma

