Chapter 15

1146 Words
"Anak pwede ba tayo magusap" Pumasok si mama at naupo sa gilid ng kama ko. "Ma" "Anak Patawarin mo ko" Nabubulol na sambit ni mama. "Ma bakit po di ko kayo maintindihan ma" Nakakunot noo ako sa kanya dahil naguguluhan ako sa inaasta niya kanina pa. " S-Sila ang t-totoo mong mga magulang" Halos Mapako ako sakin inuupuan sa narinig ko. "Ma wag mo nga ko ijoke time" Tumawa ako ng pagak pero sa loob ko kabang kaba ako sa susunod nyang sasabihin sakin. "Anak di ako nagjojoke o nagbibiro Totoo ang sinasabi ko patawarin mo ko " Doon na umiyak si mama at yung init sakin mata ay lumabas narin. Hindi ako makagalaw sakin kinauupuan na sana panaginip lahat ng to lahat ng nangyayare sakin. Masyado na ko pinaglalaruan ng panahon. "A-anak patawarin mo ko" Ramdam ko ang pag hikbi at ang pagaalala sa sinabi nya. pero bakit ako magagalit sa kanya kung minahal lang naman nya ko at di pinabayaan. "Ipapaliwanag ko sayo lahat anak wag kalang magalit sakin samin." Pagpapatuloy pa nya. "Mahal ka naman at tinuring kang amin" Dugtong pa niya. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay pa ng susunod nyang sasabihin sakin. Ayaw kung magalit sa kanya dahil mahal nila ako at ramdam ko yun sa kanila di nila ko pinakitaan ng masama at purong pagmamahal lamang ito. "Ma" Tawag ko sa kanya hinawakan nya ang akin kamay. "Mahal na mahal ka namin Aia, Patawarin mo kami" "Ma di ako galit, gusto kung malaman lahat bakit o panong nangyare" Kinuwento nya sakin lahat kung pano ako napunta sa kanila. "Yung babaeng patay na patay sa papa mo kinuha ka sa mansyon at iniwan ka sa ilog sinundan ko sya at kinuha kita doon, at yun lang ang alam kung paraan na kunin ka at mailayo sa kapahamakan kaya tinago kita at inangkin akin" Umiiyak na nagkukwento sakin si mama. naiintindihan ko na para sakin kaligtasan ang lahat nang yun para maligtas at maalagaan ako. "Ma tahanan di ako galit sa inyo" Pagpapatahan ko sa kanya. "Pasensya kana anak, tama pagpapalaki ko sayo napakabait mo at maunawain na tao Anak Salamat at naiintindihan mo ako" Niyakap nya ko at bumulong sakin na nasa labas padaw yung mga tunay kung magulang. Kaya naman nagayos ako para makaharap na sa kanila. Paglabas ko ng kwarto naabutan ko silang nakaupo sa sala at naguusap sila nila mama at papa. Tumayo yung babae at lumapit sakin niyakap nya ko na parang may kuryente sa pagyakap nya na ngayon ko lang naramdaman. "Anak, Sofia Matagal rin bago ka namin nakita napakaganda mo" Buling nya sakin habang nakayapos sakin. "Maupo po tayo mam" Hinawakan nya ang akin kamay at naupo sya sa tabi ng asawa nya at ako naman ay sa tapat nilang couch naupo. "Salamat sa pagaalaga nyo sa kanya kung hindi dahil sa inyo di na namin sya makikita" Paguumpisa ng babae. "Kami po humihingi ng pasensya mam, Tinago ko si Aia sa inyo" Sagot naman ni mama "Hindi, Salamat sayo dahil nilayo mo sya sa kapahamakan kay Gladys" Nakita ko nalang ang pagluha ng babae. "Mam Salamat po" Hinging pasalamat ni mama. "tapos na lahat nakita na namin kayo pati ang anak namin si Sofia. " Nakangiti sakin ang babae. "Salamat sa inyong magasawa dahil inalagaan nyo sya ng tunay na anak" Narinig ko rin ang boses ng lalaki. "Anak pwede kanaba sumama samin" dugtong pa nya. "Sir" Sambit ko nalamang. "Daddy, tawagin mo kung daddy kung hindi kapa handa na sumama samin naiintindihan namin ng mommy mo siguro ay ikaw ay naguguluhan at napapaisip sa lahat ng nangyayare ngayon" Nakayuko ako at tinitignan lang ang akin mga kamay na nakapatong sakin lap. "Sa-sama po ko sa inyo, Bigyan nyo lang po ako ng panahon para makasama sila mama" Nakatingin ako sa kanila at nakita ko naman ang pagngiti nila sakin. "Oo naman anak sabihin mo lang kami kung kailan ka sasama samin naiintindihan namin na ayaw mo mawalay sa kanila agad" Sabi ni daddy sakin. Muka silang mayaman sa pustora palang nila ang pag ng babae ay kilalang kilala at mahal na brand. "Ehem tawagan mo rin akong mommy" Natatawang sabi nung babae at tumawa ng napakaelegante. "Ohh pano mam sir, tatawag nalang po kami sa inyo pag magpapasundo na po si Aia" Masiglang sambit ni papa kahit pa ramdam mo ang lungkot sa kanyang boses at mata. Inanyaya sila ni mama na dito na mag dinner, Maya pay nagpaalam na sila para mauwi na dahil pagabe na rin. Niyakap ako ni mommy at bumulong na babalik sila bukas para makita ako ulit. Hinalikan nya rin ako sakin pisngi. "Mauuna na kami Agnes, Roman " Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kanilang magarang sasakyan na naghihintay sa labas ng bahay doon ko nalang napansin na 3 sasakyan pala ang nakaparada doon. "Anak"Tawag sakin ni papa habang inaayos ko ang pinagkainan namin. "Desidido kanaba" Humarap ako kay papa at ngumiti. "Opo pa" Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi. "Mamimiss ko kaya pa" Sambit ko habang nakayapos sa kanya. "Hep hep ako rin" sigaw ni mama nagyakapan kami. Nagtawanan kami nila mama at nagkwentuhan. Nagusap na aprang di na kami muling .magkikita ilove this family. Di nila ko tinuring na iba, mahal ko sila. Kinabukasan tinupad nga ni Mommy na babalik sila para bisitahin ako kasama si daddy, meron pa silang mga dalang pasalubong damit sapatos at mga grocery. Nahiya naman ako agad sa kanila kasi di ko naman hiningi pero nagdala parin sila. Nagkwentuhan rin kami ng kung ano- anong bagay. They us me to go with them to US to Study more para daw sa pagaalaga ko ng company nila pag handa nako. Sinabi ko naman sa kanila na pagiisipan ko pa kasi bigla bigla. Nagpaalam na rin sila agad dahil may kailangan daw silang puntahan importante. "Ma"Tawag ko kay mama habang namamalansa ng damit. "Bakit Aia." Sagot ni mama "Ano po sa tingin nyo sasama po ba ako sa kanila sa US " Binaba ni mama yung plantsa at pinatay muna. kinuha nya ang kamay at hinimas-himas. "Alam mo anak eto na yun, eto na yung paraan para malimutan mo ang mga nangyare sayo dito Anak kung kami ang inaalala mo sabi nila Madam at Sir hindi nila kami pababayaan kaya kailangan mong sumama sa kanila. dahil na rin sila ang mga tunay mong magulang" May lungkot sa huli nyang sinabi sakin. "At isa pa kailangan ka nila anak ahmff" dugtong pa ni mama. "Pero Ma sa tingin nyo ba kakayanin ko" "Kakayanin mo anak ikaw pa malakas kang tao" Nakangiting sambit ni mama sakin. "Salamat ma" Niyakap ko sya dahil para akong naliwanagan sa simpleng sabi ni mama. Kailangan kung Sumama sa US para makalimutan mas makilala ang sarili mamahalin ko ang sarili ko ngayon, kailangan ko rin maging mas matapang sa lahat ng pagsubok na dadating sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD