Chapter 11

1329 Words
Halos araw araw ay ganun ang set up ko sa mansyon pagumaalis na si rex para pumasok sa trabaho ay maiiwan ako. Maglilinis maghuhugas ng pinagkainan maglalaba. "hija magpahinga ka wala naman si Armando kakaalis lang" Sabi ni mommy sakin na di ko namalayan na nasa likuran kuna pala andito ako ngayon sa Garden nagdadamo. "Tapusin ko lang po ito mommy" Sabi ko sa kanya bago ko sya nilingon at nginitian. "Hays naku iha pasensya kana ha, kung ginaganyan ka ni armando" Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata. "ayos lang po yun kaya ko naman po" Napakabait ng mommy ni rex sakin pagumaalis si daddy armando ay agad nya ko nilalapitan at pagpapahingahin. "oh sya nga pala kala ko may check up ka ngayon" "opo mamaya pa po tapusin ko lang to" hinawakan nya ang kamay ko at puro sugat na ito ayaw kasi ni dad na magsuot akonng gloves habang nagdadamo. "Naku iha puro sugat na ang kamay mo halika na hayaan muna iyan"Hinatak na ko ni mommy at pinaupo nagutos din sya sa isang maid na magdala ng first aid kit at ginamot nya iyon. Pagkatapos nyang gamutin ay nagbihis nako para pumunta sa check up. Pinahatid ako niya ko sa driver. "Diba sabi ko sayo you don't need to stress makakasama yan sa baby mo magpahinga ka " Anya ng doctora di ko naman pwedeng sabihin na napapagod ako at ginawang katulong ng biyenan ko. pagkatapos nun ay binili ko ang mga vitamins na resita ni doc. After nun tinawagan ko si liza kasi miss kuna sya at alam kung sya lang makakaintindi sakin ngayon. "okay Aia magkita nalang tayo sa mall text mo ko kung saan" pagbaba ko ng tawag ay tinext ko sya kung saan kami magkikita. Naghintay ako sa isang fast food na kilala at maya-maya pa ay dumating na si liza at halata na ng sobra ang tiyan niya napangiti sya ng makita ako at lumapit sa kinaruruunan ko. "Kamusta kana" pasimula nya sakin. "eto mabuti naman" sagot ko sa kanya. "yung totoo Aia muka kang pagod na pagod" Hindi ako makatingin sa kanya dahil alam kung di ko kayang magsinungaling sa kanya. At doon na pumatak ang luha ko at nailagay kuna ang dalawa kung kamay sa muka ko dahil sa pagiyak ko. "Anong problema sabihin mo sakin" At doon kuna sinabi sa kanya lahat ang tungkol samin ni rex. pati ang trato ng ama ni rex sakin muka syang nanlumo sa mga sinabi ko sa kanya. "Naku Aia Tangina naman e balit di ka magsumbong o umalis nalang doon" Galit na sabi ni liza sakin. "Ayaw ko naman magaway ang mag ama ng dahil sakin Liza baka lalong maglit sakin daddy ni Rex pag sinungbong ko sya" Sa totoo lang di kuna alam ang gagawin ko ngayon dahil napapgod na rin ako sa araw araw na nangyayare sakin sa mansyon. " e pano ka naman pati yung baby sa tiyan mo" halata ang pagaalala nya sa boses nya hinawakan nya pa ang kamay ko at diniinan. "Ayos lang ako wag mo ko alalahanin, kamusta na kailan ang kabuwanan mo"Pagiiba ko sa usapan para di na sya magisip. "Eto mabuti at babae ang anak ko aia" hinimas himas na pa ang kanyang tiyan na parang kilig na kilig. "Ninang ka hah" "oo naman" sabi ko sa kanya. tumingin sya sa orasan at nagpaalam. "Mauna na ko Aia tapos na lunch break ko" Nagpaalam na sya sakin kasi may pasok pa sya niyakap nya ko ng mahigpit bago umalis. ----- Paguwi ko sa bahay ay dumeretso ako sa dining room para uminum ng tubig nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong bahay ni wala akong makitang tao kahit isa o baka nagpapahinga lang sila. Umakyat ako sa kwarto para magbihis at makapagpahinga saglit dahil napagod ata ako kanina. Nagising ako sa mahinang katui sa pintuan at tinignan ang orasan 6pm na pala at agad kung pinagbuksan kung sino iyon. Bumungad sakin ang lasing na itsura ni rex at halatang naparami ng inum. Inalalayan ko sya patungo samin higaan. Hinubadan at binihisan ng hilahin nya ko papalapit sa kanya. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita Aia ikaw lang ang mahal ko tandaan mo yan" Sabay ng pagsiil nya sakin mga labi ginantihan ko ito dahil nalulunod ako sa mga halik nya matagal na rin ng di namin to nagagawa dahil lagi syang busy o di naman late na umuwi natapos nanaman namin angkinin ang bawat isa. "I love you Aia, ilove you baby" Dahil siguro s pagod at nakainum pa sya ay agad syang nakatulog na. Tinitignan ko lang ang muka nya at ginagapang ang akin mga daliri sa kanyang muka. Mahal na mahal ko si rex kahit sa ano pa man bagay?. Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para makapaghanda ng agahan. Habang kumakain kami ay naguusap ang mga biyenan ko ang naiintindihan ko lang ay may isang party na gaganapin sa sabado dito sa bahay at excited na excited ang biyenan kung lalaki pero ang biyenan kung babae e tahimik lang at nakikinig kahit si rex. Pagkaalis ni Rex ay naging busy nanaman ako sa pagaasikaso naglinis tulad ng routine ko sa araw araw. DUMATING ANG araw ng Sabado at punong abala ang lahat dahil sa Party mamaya ni ako ay di ko alam kung para saan ang parting magaganap kaya naman tumulong ako para magayos at magsalansan ng mga plato sa mga lamesa.Wala rin si Rex dahil nagpaalam sya sakin kanina na pupunta syang office at may tatapusin daw sandalin. Habang nagaayus kami ay at naglalagay ng mga pagkain para sa buffet ay may paisa isa ng dumadating na mga bisita mga nakasuot ito ng formal coat at long dress. di ko maiwasan tignan ang bawat pumapasok na mga tao dahil na rin sa mga suot nito. Natapos ako sakin ginagawa ay umakyat nako sa silid para magbihis at magasikaso ulit mamaya sa mga tao. Naggagabi na rin at mas dumadami pa ang dumadating, Nakita ko si rex na nakabihis na rin at pinagpalalit nya ko ng damit sabi ko okay na to tutulong ako sa mga katulong pag seserve di nya ko napilit sa gusto nya. Nagpaalam sya sakin na lalapitan ang mga bisita, Nang bigla kung narinig ang boses ng biyenan kung lalaki sa mic. "Ladies and gentlemen thank you for coming tonight" Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi niya. habang nakangiti siya sa harapan ng mga bisita. "Alam natin na nagtataka kayo kung para saan ang party na ito so bago natin simulan ay lets join me here Rex anak and Kim Zalasar." Tumungo si rex at kim sa tabi ng biyenan ko at para akong kinakabahan sa susunod nyang sasabihin. "Listen everyone, My Son and Kim are already engaged they decided to marry soon" Hindi ko makapa ang sinabi ng biyenan ko na ano engaged ang asawa ko kay kim pano e kasal kaming dalawa naglandas ang mga luha ko sa mata sa narinig ko ngayon ngayon lang. Nakita ko naman ang gulat sa muka ni Rex sa narinig at may sinasabi sya sa ama. parang eco yung mga katagan na narinig ko kung ito bay isang panaginip na dapat ngayon ay gising na ako ayaw ko ng natinig kung pilit kung iniintindi ang bawat salita nya. Nakita ko pa syang tumingin sakin at umiling nagkatitigan kami na parang naguusap ang amin mga mata ngunit di mawaglit sa isip ko ang kanina lang akin narinig bakit?bakit ganito. ganun nalang ba ako kaayaw ng biyenan kong lalaki at kahit alam nyang kasal na kami ng anak na bakit bakit. Unting unti pumatak ang mga luha sakin mga mata at naghahanap ng kasagutan mula sa kanya, gusto kong umalis na pero may kung ano sakin paa ang ayaw gumalaw.. *** Pafollow po thank you need 500 Followers, Maganda po ba pacomment naman po. Pagumabit ng 500 followers araw araw na po update thank you readers muah ?❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD