NAGPAALAM AKO SA mga kaibigan kung pupunta akong c.r dahil wala pa naman ang teacher namin. Pagdating ko sa C.r ay naabutan ko sa loob si abby at ang alopores niya di ko sila pinansin at tumuloy sa cubicle. Pagkatapos kung mag pee ay lalabas na sana ako ng bigla akong hablutin ng isa sa kanila at pinagtulong tulungan sabunutan.
"Aray bitawan nya ko" Sigaw ko sa kanila. Pero di nila ko tinitigilan sa pagsabunot at halos maiyak iyak na ko sa sakit ng anit ko.
"Nakakinis ka kung di ka nakialam edi sana di mo to mararanasan ngayon" Narinig ko ang boses ni Abby isa sya sa sumasabunoy sakin ngayon. Nahablot ko ang isang ulo ng sumasabunot sakin at tamang buhok ni abby iyon makaganti man lang ako sa ginagawa nila sakin pero mas malakas sila 3 sila at isa lang ako sana nagsama nalang ako ng kaibigan para may back-up ako.
"Dapat yan sayo Aia, pakialamera ka kasi" sabi ulit ni abby.
" Bitawan nyo na ko ano ba ". sigaw ko ulit sa kanila sobrang sakit na talaga at gusto kuna magpàhinga. Napahiga nako sa sahig ng C.r dahil di ko talaga sila kaya pinagtatadyakan pa nila ako at nakatikim rin ako ng sampal.
"Sir sir ayan po" Narinig kung may nagsalita.
"What going on here Stop girls" Narinig ko ang boses ni sir na sumisigaw saka lang sila tumigil sa pagsabunot sakin.
"abby, gerlie and thes go to my office wait for me there" Sigaw ni sir sa kanila habang akoy nakahiga parin at diko kayang tumayo pa sa nanglalambot kung katawan. Naramdaman ko ang paglapit ni sir sakin.
"Aia kaya mo ba tumayo" Akmang tatayo sana ako pero bigla akong natumba. at hinawakan ako ni sir naramdaman ko ang pagbuhat nya sakin saka ako nawalan ng malay.
NAGISING ako na puting pader ang nakikita asa langit naba ako. Napatingin ako sa babaeng nakatayo at nakasuot ng puting damit humarap ito at nakita ko ng malinaw kung sino ito sya ang nurse ng school namin si nurse Fathima.
"buti nagising kana" Sabi nya sakin habang papalapit sya sakin na nakangiti. Tumango naman ako sa kanya.
"Kamusta na pakiramdam mo Aia may masakit paba sayo"Sa totoo lang masakit ang ulo ko at ang katawan ko dahil siguro sa ginawa sakin ng kampon ni abby.
"M-medyo masakit lang po ang ulo ko nurse" sagot ko sa kanya. May inabot sya sakin gamot at ang sabi nya'y pang pain reliever ito kaya naman kinuha ko at ininum iyon. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si sir nakatingin sya sakin at papalapit.
"Kamusta pakiramdam mo Aia"
"Mabuti naman na po sir medyo may masakit lang po"Sagot ko kay sir.
"Kaya mo banh tumayo ihatid na kita sa bahay nyo pinagpaalam na rin kita sa ibang prof. nyo at pumayag naman silang magliban ka sa klase nila" Tumango ako kay sir kasi gusto kung magpahinga ngayon. Sumakay kami ni sir sa kotse nyang itim at ang bango sa loob nito.
"Saan ang bahay nyo"Tanong ni sir at sinabi ko kung saan ito saka nya in on ang kotse. Habang asa biyahe kami ay konting katahimikan ang namayani samin. Naputol lang ito ng magsalita sya.
"Wag muna isipin pa sila abby may warning na sila sa dean pag inulit pa nila sayo they will be kick out sa school" Napatingin ako kay sir napahawak sya s manobela ng madiin nakakunot ang noo.
"Aia" Malambing na tawag sakin ni sir.
"ano po yun sir" Nakatingin ako sa kanya kasabay ng pagtigil nya ng kotse sa gilid ng kalsada.
"wala nevermind" Saka sya ulit nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating namin sa bahay ay pinapasok ni mama si sir at pinagkape sinabi ni sir ang nangyare at nagulat ito at galit na galit sa nalaman pero pinakalma ito agad ni sir. sinabi din nyang last warning na nila abby pag may ginawa nanaman tong kalokohan. Nagpaalam na si sir at may klase pa sya, Pinapasok na ko ni mama sa kwarto para daw makapag pahinga nako. Habang nakahiga ako sa kwarto ay tumunig ang phone ko.
from: 09555555555
Magpahinga kana Aia iknow nasaktan ka.
Sino kaya to .
Me:
Sino po sila
from 09555555555
sorry si sir to.
Si sir saan naman nya nakuha number ko di ko naman binigay sa kanya.
Me:
okay po sir ingat po.
May konting ngiti sakin labi sa sinabi ko kay sir na ingat.
Nakatulog nako sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Nagising nalang ako sa tunog ng phone ko at pagtingin ko sa bintana at magdadapit hapon na agad kung sinagot ang phone ng di ko pa tinitignan kung sino yung tumatawag.
Hello.
"hello Aia okay kanaba kamusta pakiramdam mo" Sa boses palang alam kung si sir ang kausap ko sa kabilang linya
"okay napo sir wag napo kayo magalala" Sagot ko sa kanya.
"Dahil kasi sakin kaya ka nasaktan nila abby kanina"
" wag nyo napo sisihin ang sarili nyo sir wala pong may kasalanan"Pagpapalubag loob ko sir naguguilty sya sa nangyare sakin.
"Salamat Aia napakabait mong bata" Nakangiti ako ng narinig ko yun kay sir nagpaalam na sya sakin at binaba ang tawag dahil daw baka naiistorbo nya ko.
KINABUKASAN pumasok nako sa School nakaupo ako sa upuan ko at itong mga kaibigan ko'y nagtatanong kung kamusta ako grabe ang pagaalala nila at nanggagalaiti sa nangyare sakin sana daw sinama ko sila sa c.r para di nangyare yun. Kitang kita ko naman ang mata ni abby na naiinis at masama ang tingin sakin na parang gusto akong lamunin anuman oras. Nagdirty finger pa sya sakin at di ko yun pinansin deadma lang bala sya manggalaiti sa inis. Natapos ang half day namin at kainan na di ko man lang nakita si sir ngayon baka busy lang kay wala sya kanina sa First subject namin at sa kabilang room wala rin sya. Parang hinahanap sya ng mata at puso ko, natapos ang maghapon kahit anino ni sir ay wala talaga. Paguwi ko sa bahay ay kumain lang ako at nahiga nalang sa kwarto.
Hawak ko ang phone ko at iniisip kung itetext o tatawagan ko ba sya.
me: Sir di po kayo pumasok kanina?
sent binaba ko ang phone ko malapit sa lamp shade at nahiga. Nang tumunog ang ring tone nito memories.
Hello po sir
hello aia busy lang ako kanina
okay po sir sige po.
saka ko binaba ang tawag niya.
from sir. ❤
i miss you.
Pagkabasa ko nun ay nagulat ako o baka nawrong send lang sakin si sir. Nagkibit balikat nalang ako. Naisip ki nalang gawin ang home work ko para bukas pagkatapos ko nun ay naisip ko nanaman yung text ni sir kanina baka wrong send lang talaga yun bakit naman ako itetext ng ganun ni sir. Kasalukuyan akong nakahiga ng tumunog ang phone ko pagtingin ko dito ay halos lumaki ang mata ko sa nabasa ko.
from sir. ❤
Aia Hihintayin kung makagraduate ka liligawan kita ily.
Di ko alam ang isasagot ko sa kanya
kaya di kuna nalng nireplyan pa. Bakit sinasbi yun sakin ni sir baka naman nakainum yun baka lasing lang ewan. haixt.
‐--------
DUMATING ANG ARAW NA pinakahihintay ko ang makatapos sa College makapagtrabaho at makatulong sa magulang this is it pansit. Sigawan at palakpakan ang maririnig mo pagkatapos ng graduation ceremony. Ito na yung araw na ang mga nakasanayan mo noon ay di na pwede kailangan muns kumayod para sa sarili at sa pamilya. Hindi na rin kami magkakakita ng mga kaibigan ko dahil magiging busy na sila at wala ng panahon para sa isa't isa. Malaki ang naging parte ng mga to sa buhay nya pati na mga guro nila natuto sila sa mga dapat nilang malaman sa iskuwelahan.
AIA DOMINGO SEBASTIAN
Pag tawag sakin pangalan para kuhanin ang akin diploma nakipagkamay ako sa mga Gov. Mayor dean at ilan teacher baho bumaba sa stages. Nakita ko si sir rex na nakatingin at nakangiti sakin kita ko sa mga mata nya ang kasihayaan. Bumalik tuloy sakin isipan ang paguusap namin noon.
"Aia gusto kita mali to pero, the first i saw you i feel inlove, i'm willing to wait until you graduate" Hindi ako nakasagot sa kanya agad noon dahil sa gulat aaminin ko may kung ano sakin dibdib para matuwa dahil umamin sya sakin ng araw na yun. Imbes na sumagot ako ay tumango nalang ako sa kanya at ngumiti.
"pero sir pwede po bang wag muna kayo lumapit sakin para sa kaligtasan nyo natin salamat po"Naintindihan naman nya ang sinabi ko sa kanya dahil bawal maging kami at maghihintay daw sya hanggang makatapos ako ng pagaaral. End of flashback.
Hanggang makatapos ako'y hindi kami nagusap ni Sir na parang walang nangyare para na rin di kami machismis noon sa School ngayon nakatapos nako di ko alam kung tutuparin pa nya ang sinabi nya sakin noon, Nakikita ko naman kasi syang may kasamang babae at sabay silang papasok at sabay rin aalis sa school. Baka nga nakahanap na to at hindi na nakahintay sa kanya. Sana di ako umasa at naghintay sa araw na to. This is the last day na makikita ko sya.
AFTER A MONTH
NAKAHANAP ako ng trabaho para makatulong na samin araw araw nila mama agad naman akong natanggap bilang isang accountant sa isang kilalang company di ko nga alam at ang bilis nila akong na hired kahit pa di nila ako nainterview at yunh Resume ko palang ang nabasa nila imbes na magtaka ako ay natuwa nalang kasi may trabaho nako at malaki pa ang offer sakin para sa isang fresh graduate na tulad ko at wala pa experience sa trabaho sa dami namin nagapply ay ako lang nakuha may mga iilan na may experience na sa trabaho ay di natanggap at nadismaya.
"Miss Sebastian you can start tomorrow 8am thank you ang congratulations" Nakangiting sabi sakin ng Admin at nabasa ko sa desk nya ay ang pangalan nya ay Ms. Cecil Samonte.
"Thank you so much Maam" Nilahad nya ang kamay nya sakin at agad ko naman ito inabot at nakipagshake hand. Umalis nako para maipamalita kay mama at makabili ng bagong shoes dahil wala nga pala kung shoes pang office.
"Ma andito napo ako" Nakita kung nakaupo sa couch si mama at napatayo pagkita sakin.
"Ano anak kamusta"Nakangiti sakin si mama at parang naghihintay ng balita subukan ko kayang lokohin ano kayang reaksyon niya.
" M-ma sorry di ako natanggap" Nauutal kung sambit at halos gusto kung tumawa pero pinigil ko nakita ko naman ang pagaalala nya sakin.
"Ayos lang yan anak ang importante sinubukan mo" Akala ko magagalit sya dahil di ako natanggap pero nagkamali ako.
"Sorry ma pero it's a prank hahahaha"Tumatawa ako at halos batukan ako ng mama ko sa sinabi ko.
"Ano anak may trabaho kana"
"opo ma tanggap ako" Nakangiti si mama sa sinabi ko at niyakap nya ko.
"Congratulation anak" sabi nya habang nakayakap parin sakin. ang sarap maging mama ni mama kasi barkada muna mama mo pa. Sinabihan nya kung galingan ko daw sa trabaho at wag magiging tamad umuo naman ako sa kanya. Kinabukasan ay first day ko sa work nagsuot lang ako ng blouse na may bitones at pensil skirt na above the knee at heels perfect. Lumabas ang hubog ng akin katawan sa suot kung ito umalis nako para di ako malate sa unang araw ko pagdating ko sa Montano Company ay agad akong dumeretso sa HR kasi yun ang sabi sakin tinuro nila ang magihing pwesto ko laging gulat ko bakit may sarili akong opisina at ako lang magisa sa kwarto na to. Nakita ko ang name tag sa table Nakasulat doon Junior Accountant napangiti ako sa nabasa at kasunod nun ang nasa taas ay pangalan ko Pagkaupo ko palang ay tinignan ko ang mga papel na nasa desk at kailangan icheck Debit at credit. Mabusisi ko kitang kinignan saka inimput sa sarili kung dest top. Sa sobrang daming trabaho ay di ko namalayan ang oras at tanghalian na pala may kumatok sa pintuan at pumasok ito.
"maam hindi paba kayo kakain Lunch napo" Di ko sya kilala pero ngumiti ako sa kanya.
"Kakain na rin po ako" magiliw kung tugon sa kanya.
"by the way i'm Liza" Lumapit pa sya sakin at nilahad ang kanyang kamay.
"i'm Aia nice meeting you" nagshake hands kaming dalawa.
" Ano tara na gutom na rin ako" anyaya nya ulit sakin. Tumayo na ko at sumama sa kanya pagdating namin sa canteen ay umorder kami ng pagkain at naupo sa isang table na libre at walang umakupa. Nagkwetuhan kaming dalawa at doon ko lang naman na bago rin pala sya dito at 3 days palang sya nagsisimula sa company na to. Sya palang ang nakilala ko sa araw na to naging magaan naman ang loob ko sa kanya dahil parehas kaming bago sabay kami sa lunch at pag break time.