REX Kanina pa ko naghihintay dito sa simbahan sabi kasi ni Aia ay papunta na sila kaya naman sobrang excited ako na makita ang akin asawa sa kanyang suot na puting gown. Ilan minuto pa ang Lumipas, wala parin sya magiisang oras na wala parin Aia ang dumating. Kinakabahan nako kaya naman nagpapunta nako ng tao kung asan ang akin asawa at mga magulang nito. "Mr. Montano, Isang oras napo ang nakalipas pero wala parin po ang bride niyo" Tanong sakin ng isang babae na tauhan dito sa simbahan. "Pasensya na po baka natraffic lang" Pagdadahilan ko kahit alam kong sampung minuto lang ay dapat andito na sila. "Anak bakit wala pa sila" Sunod na nagtanong si mom. "Papunta na siguro sila mom" Kahit ako ay pinipilit kung pagaanin ang sarili ko hindi ko alam kung bakit wala pa sila, kanina ko pa

