KINABUKASAN maagang may kumatok sa kwarto ko bumaba na daw ako para makakain kasi may pupuntahan pa daw kami nila mommy. After ko kumain ng Breakfast ay naligo ako at nagbihis ng isang simpleng Jeans at Blouse na presko sakin pakiramdam tinernuhan ko rin ng isang doll shoes na kulay white na nakita ko lang naman sa walking closet .
"Saan po tayo pupunta "
"Where going somewhere, kung saan malalaman mo lahat pag andun na tayo anak" Ayun lang naman ang sinabi ni mommy kaya di na ko nagtanong po. tumigil kami sa isang building at pumasok kami sa loob sumakay kami ng elevator sa tingin ko ay patungo kami sa ikalimang palapag. Paglabas namin doon ay pumasok kami sa isang kwarto lumapit si mommy sa isang babae na nakaupo sa isang gilid at kinausap ito sa salitang ingles .
"Let's go anak" Sumunod akong muli sa kanya, May isang lalaking bumati samin at nakibeso kay mommy.
"Sya naba madam" Tumango si mommy sa lalaki pero wari ko'y isang malambot na lalaki ito dahil sa pagsasalita niya. Lumapit sya sakin, baba taas ang tingin at umikot pa para makita ang pustura ko. Tumigil sya sa harap ko at hinawakan ang baba at bigla nya tinaas ang akin baba.
" Chin up girl ang ganda ganda mo alam mo ba yun, your ao pretty" May arte ang kanyang pagsasalita na nakapagpangiti sakin.
"Mark can you help her do what she need" Sabi ni mommy dito.
"Madam, Ma-rie not mark iwwww ang baho" Tumitirik tirik pa ang mata nya sa pagsasalita ng katagang Marie. Humalakhak naman si mommy dahil sa sinabi nya.
"What ever mark or marie iisa lang yun" Natatwang sambit nya dito.
"Okay madam, ako ng bahala dito palikan nyo nalang po sya sakin" Nakangiting sagot nya. Nagpaalam na si mommy at babalikan nalang daw nya ko mamaya. Pero di ko alam ang gagawin ko dito o para saan ba at andito ako.
"Okay girl maupo ka"Naupo ako sa upuan na tinuro niya sakin. " The first thing na gagawin ko sayo ay ayusin ang buhok mo tuturuan kita magayos maganda ka naman pero di ka pala ayos siguro" kumuha sya ng isang plantsa ng buhok at kinurl ito. kinulot nya ang dulo ng akin buhok, Sinunod nya ang akin muka binawasan ang akin kilay na galit na galit na dahil di kuna nabubunutan sa gilid gilid. Inayusan nya ko ng very light lang tinuruan rin nya ko ng make up depende sa okasyon o sa papuntahan kung lugar. Sumunod naman at pinapili nya ko ng damit pero karamihan ay dress pinasuot nya sakin ang isang simpleng peach fitted plain dress na hanggang tuhod,tinernuhan din ito ng isang five inches na sandals na brand ng isang sikat na shoe company na paris. Saka nya ko pinalapit at pinakita ang kabuuan ko sa isang malaking salamin halos di ko makilala ang itsura ko ngayon tinuruan din nya ko kanina kung pano maglakad ng elegante at hindi yung hukot o parang problema pag naglalakad.
"Wow just wow ang ganda mo girl pero mas maganda parin akonsayo echos hahahah" Napangiti nalang ako sa sinabi nya sakin dahil masyado syang kalog. Nang dumating si mommy ay halos di din daw nya ko nakilala dahil sa transformation ko. or should i say pagbabago ng itsura.
SA mga sumunid pang araw ay May dumating na isang babae sa bahay. Pinakilala sakin ni mommy yun andito daw sya para turuan akong magsalita ng tama at kung pano gagamit ng kubyertos at plato sa tama. Halos ata ng dapat kung malaman o matutunan para lang makasabay sa mayayaman ay inaral ko at pinaaral sakin ni mom.
"Sofia" Tawag sakin ni mom habang kumakain ako ng miryenda sa balcony ng kwarto ko.
"Yes mom in here" Tumayo ako para salubungin sya humalik ako sa kanyang pisngi.
"Yes mom"
"Sofia do you want to enrol in bussiness field, kailangan mong matutu para mapagaralan mo ang lahat para sa conpany natin" Pinaupo ko muna sya bago ako sumagot tinanong na nya sakin yun nung isang araw pero pinagisipan ko parin.
"Okay mom what ever you want" Nakangiti kung sagot sa kanya at kita ko ang liwanag sa kanyang mga mata.
"Thank you anak im so happy, by the way anak asa baba ang dad mo she want to saw you naglalambing ata "natatawang sabi ni mom sakin simula ng dumating ako dito at busy si dad para sa paglago pa ng company namin dito ko rin nalaman sa florida na sikat na sikat sila sa mga tao dahil na rin siguro sa mayaman at magandang pagpapaandar ng company nila nagiisa lang pala akong anak nila kaya naman ganun nalang ang tuwa nila ng makita ako, sabi pa ni dad na hindi na daw pwedeng magbuntis noon si mom dahil may sakit sya sa ovary. Kaya naman ng mawala ako ay laging lingkot pasakit ang nadama nila pero di sila tumigil para makita ako.
"Okay mom" Tumayo na ko at kinuha ang mga pinagkainan ko apra maibaba kuna rin. Hindi naman na tumutol si mom dahil nasanay syang gawin ko to araw araw.
"Let's go anak naghihintay na ang dad mo sa baba" Pagbaba namin ay kinuha ni ate josie ang dala dala. Lumapit ako kay dad at agad syang niyakap.
"Naku si dad naglalambing nanaman." Labing ko kay dad.
"Alam mo naman na ikaw lang ang only baby namin ng mom mo don't forget that" Kay naman mas niyakap ko sya ng mas mahigpit.
"I love you dad" sambit ko
"I love you too Anak" Sagot nya sakin.
"Ohh ano magmimiryenda ba tayo naiinggit nako" Maktol namam ni mom na ngayon ay nakaupo na sa couch. Bumitaw si dad sa pagkakayakap sakin at lumapit kay mom at niyakap ito.
"Are your jealous , she's our daugther" Napakasarap nilang kasama dahil ni minsan ay di ko sila nakitang nagaway lagi silang sweet sa isa't isa. Halatang mahal na mahal nila ang bawat isa. Pumunta kami sa gilid ng pool at doon kami nagmiryenda kulitan at kwentuhan ang ginawa namin nila mom at dad. Doon din nila kinukwento ang love story nila na talaga naman nakakakilig, Nakita lang daw ni dad si mom na naglalakad sa school nila dahil daw transferee ito agad naman daw nabighani ng ganda ni mom si dad kaya di na nya pinakawalan nung una napepreskuhan daw sya kay dad dahil sa porma at kilos nito pero ng tumagal tagal daw ay nakilala nito at nagustuhan na rin kinalaunan. Naalala ko rin agad si Rex ganun rin kasi sa school ko sya unang nakilala. Nasa malalim akong pagiisip ng nagsalita si mom ulit.
"Ayos kalang ba Sofia" Lagi narin nila akong tinatawag na Sofia dahil yun naman daw ang totoo kung pangalan which is hindi na ko tumanggi pa.
"Ayos lang po ako mom" Nakangiti kung sagot sa kanya pero parang di sya naniwala at ramdam ko yun. Sa tuwing naaalala ko sya ay nakakaramdam ako ng labis na sakit at panghihinayang sa lahat ng nangyare samin minahal ko sya at mahal ko parin sya pang hanggang ngayon. Kailangan kung maging handa sa pagbabalik ko sa pinas para di nako maliitin pa ng mga taong nang api sakin. Sisiguraduhin kung ibang Aia na ang makikita nila mas matatag at palaban. Sisiguraduhin kung hihingi sila ng tawad sa mga pasakit na pinadama nila sakin pasakit na hanggang ngayon ay di ko malimutan lalo na ang pinagkait sakin ang maging isang ina.