Chapter 13

1465 Words
"Ssshhh Please wag kana umiyak wife, nalulungkot si baby sa tiyan mo" Niyakap ko sya dahil namiss ko. Bahala na kung anong mangyayare samin pero hindi ko sya isusuko at alam kung di nya ko susukuan mahal na mahal ko sya noon pa man hanggang ngayon. Haharapin namin ang lahat ng pagsubok ng magkasama, kakayanin namin to. Pagkatapos namin magusap ni Rex nang maayos at di na namin pa pinagusapin pang muli ang mga nangyare nung gabe iyon. Kahit pa masakit para sakin na ayaw ako ng biyenan kung lalaki at iba ang gusto nya para sa kanyang anak. Ako ang asawa at ako lang ang may karapatan sa asawa ko. --- Nito ngang mga nakalipas na araw ay walang palya ang pagpunta ni Rex sa bahay para dalhan ako ng kung ano ano, Andyan yung may mga dala syang Gatas for me prutas tinapay clothes vitamins tapos napakaclingy pa at sempre nauuwi yun sa isang masarap na Make out sempre haler natural na yun kasi magasawa naman kami, minsan nga kailangan pang dahan-dahanin nya ang pag pasok at paglabas sakin kasi nga buntis ako. di pa naman ganun kalaki ang tiyan ko kasi 4 months and 7days palang akong buntis. "Wife" "Ahmm" Andito kami sa kwarto ngayon, nagpapahinga kasi kadadating lang namin galing sa isang Check up at sinabihan ako ng OB ko na hinay hinay at wag mastress o magpagod kaso masyadong mababa raw si baby. "Doon kanalang tayo sa Penthouse ko sa makati" Sabi nya sakin kaya napatingala ako sa kanya. "Para malapit kanalang sakin at lagi kita nakikita, At saka para mas makapagpahinga ka ng maayos doon" Dugtong pa niya. "Okay naman dito, Maingay nga lang nakakpagpahinga naman ako." Sagot ko sa kanya na nagpamulat sa kanyang mata para tumingin sakin. "Hindi yun ang ibig kung sabihin wife, Baka kasi naririnig tayo nila mama pag ano alam muna hahahahah"Natatawa nyang litanya sakin na nagpatawa rin sakin kinalaunan. "Sira ka talaga" Nahampas ko pa ang kanyang dibdib pero mahina lang. "Sige na pumayag kana please" Nagmamakaawa ang kanyang mukang nakatingin sakin alam mo yung puppy face at matatawa kanalang sa itsura nya isang Rex Gwapo mayaman habulin ng babae hulog panty kunbaga malaki katawan. Titignan ka ng kanyan sino ba naman ang aayaw. "Oo na" Nakangiti kung sabi sa kanya. "Talaga payag kana wife" Sabi nya sakin na nakangiti pa ang loko. "Oo nga sige babawiin kuna " "eto naman " Niyakap nya ko at nilubog sakin leeg ang kanyang muka na nagbigay ng kung anong kiliti sakin. KINABUKASAN natuloy ako paglipat sa Penthouse ni Rex, Namili na rin kami ng stocks na pagkain mga sabon at personal hygiene namin. Nalola nalang ako sa laki at ganda ng Penthouse na to ngayon lang kasi ako nakapunta dito simula ng maging kami. "love," Tawag ko kay Rex habang nilalagay nya sa kitchen yung mga pinamili namin. "Ahmm" "Pano pagnalaman nilang andito tayo" tanong ko sa kanya na nakapagpatigil ng ginagawa nya. "Don't worry Wife no one can't hurt you here i promose it to you" Hinapit nya ko sa bewang at niyakap, Naramdaman ko naman ang paghimas na sa puwitan ko. "love" May kasamang pagbabanta ang boses ko sa kanya. "What hinihimas ko lang akala ko kasi uubra " Natirig ko pa ang pagtawa nya ng mahina dahil nga magkayakap kami. "Ikaw talaga ha" Kinurot ko sya sa kanyang tagiliran kaya naman napabitaw sya sakin at napalayo. "Wife naman" Sambit nya habang hinihimas himas nya yung tagiliran nyang kinurot ko. Napatawa nalang ako sa itsura nya kasi bigla akong naawa sa expresyon ng muka nya sakin. "Ikaw kasi e nagsisimula kana di pa tayo nakapagpahinga" Lumapit ako sa kanya para hawakan yung parteng kinurot ko. "Sorry Masakit ba" tanong konsa kanya. "Oo dito oh" Hinawakan ko naman yung parteng yun at hinimas himas. "Okay na di na masakit"At niyakap nya ko ulit ng mahigpit. "I love you wife" "I love you too" Naligo nako kasi init na init nako hinyaan ko nalang si Rex na magluto ng pagkain namin kasi sabi nya sya na daw magluluto. Paglabas ko'y nakaluto na sya at pinaghila nya ko ng upuan para makakain na, Pagkatapos namin kumain ay nahiga na kami sa kwarto para makapagpahinga. Yakap yakap ako ni Rez sa kanyang mga bisig hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako sa sikat ng araw, Pagtingin ko sa orasan ay Alas nuebe na ng umaga. Sa tabi ng orasan ay may nakita akong note. Wife. di na kita ginising, uminom ka ng gatas may pagkain na rin dyan wife. tatawag ako time to time. I love you. Tumayo nako sa pagkakahiga naligo muna bago pumunta sa kusina nakita ko doon ang nilutong pagkain ni rex nangiti naman ako sa nakita ko. eat well wife. Nagtimpla ako ng gatas tulad ng bilin ni Rex Kumakain ako ng almusal ng tumunog ang doorbell kaya naman dali dali akong uminom ng gatas bago tumayo, baka kasi isa nanaman to sa pakana nanaman ni Rex. Pero laking gulat ko pagbukas ng pintuan ay kita kung preteng nakatayo si Daddy at ang mommy ni rex. "So Rex, bring you here" Ni hindi na ko nagatubiling papasukin sila dahil dirediretso sa pagpasok yung biyenan kung lalaki sa loob sumunod naman si mommy na humihingi ng dispensa sakin. Pinanuod ko lang sila sa paglakad at umupo sya sa couch na nasa sala. Lumapit ako sa kanila at nanatiling nakatayo lang sa isang gilid. "Pasensya kana Hija" Simula ni mommy ni rex at nginitian ko sya. "Bakit ka humihingi ng pasensya sa babaeng iyan" Sabat naman ni daddy armando. "Armando" Pagaawat ni mommy sa kanya. "So hindi ka parin ba natatauhan Aia, ayaw ko sayo para sa anak ko sisirain mo ang pangalan namin at ang companya namin dahil sa pagpapakasal mo sa anak ko" nananatili akong nakatayo at nakatingin sa sahig " If i were you aalis nako at magpapakalayo layo" Napatingin ako sa kanya at nakangiting nakatingin rin pala sakin yung ngiting asong tinatawag nila ganun ang itsura nya ngayon. "Mahal ko po ang anak nyo at nagmamahalan ka---" Ni hindi kuna natapos ang sasabihin ko ng pasigaw syang nagsalita. "Letcheng pagmamahal yan, Makakatulong ba ang letcheng pagmamahal na yan sa kompanyang pinalaki ko at pinaghirapan ko ng mahabang panahon dahil lang sa isang mahirap na tulad mo." Konting katahimikan aang namutawi samin. "Magkano ba kailangan mo para layuan mo ang anak ko" Dugtong pa nya. "Armando" Sigaw ni mommy. Halos tumigil ang mundo ko sa narinig ko sa kanya ganun ba ang tingin nya sakin mukang pera, pera lang ba ang kailangan ko. Mahal ko Rex mahal na mahal. "Di ko po kailangan ng pera nyo" Lakas loob kung sambit. Nagulat ako sa paglapit nya sakin at sa sumunod na nangyare nalang ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay nya sa pisngi ko. Doon na tumulo ang mga luha ko sa mata sinaktan nya ko. "Armando ano ba tama na buntis si Aia" Lumapit naman si mommy para daluhan ako sa paghikbi ko. Naramdaman ko naman ang paghagod ng mga kamay nya sa likuran ko. ""Bakit Concha, Umalis ka diyan hinding hindi ko matatanggap ang babaeng yan sa pamilya natin kahit kailan"Sigaw nya pang ulit sakin. Sobrang sakit ng dibdib ko sa mga narinig ko, At sumabay pa ang nararamdaman kung sakit sa puson ko. "Kung ako sayo Aia, Lumayo kana bibigyan kita ng 1billion para lumayo ka sa anak ko" Sambit pa nya. "Mahal ko po si Rex" Pinagdiinan kong sambit sa kanya kahit pa Masakit na ayaw nya ko para sa anak niya e ipaglalaban ko si rex. Tuloy-tuloy na tulo ng mga luha ko sa mata. Sa isang iglap ay di kuna matiis pa ang sakit ng puson ko. "Ahh aww" "Aia anong nangyayare A-Aia h-hija dinudugo ka" Halos buhol buhol na sambit ni mommy. Hindi ang anak ko Napatingin ako sa sa mga binti kong meeon ng dugo. Nilapit ko pa ang kamay ko at pinunasan ito at ng makita ng mas malapit ay napatingin ako kay mommy na halatang alalang-alala ang muka. "Mom, Tulungan nyo ko" "Armando" "Daldalhin kita sa hospital tatawag ako ng tulong" Ayun na ang huling narinig kung boses nya, nawalan na ko ng malay at nagising nalang sa di ko kilalang silid maputi at may nakasabit na kung ano sakin gilid. Nang tuluyan akong makapagmulat ay Nakita ko Rex na nakatayo habang may kausap sa kanyang Phone. Nang makita nya kong gising ay agad syang na nagpaalam sa kausap at lumapit sakin. "Wife kamusta kana" Hinwakan nya ang akin kamay, kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang malungkot nyang muka. Napahawak naman ako sakin tiyan na pilit na hinahawakan at niraramdam ang laman niyon ngunit wala akong maramdaman. "Rex" Tawag ko sa kanya nakita ko naman ang mas lalo nyang pagkunot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD